Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Hukbong Tsino, matatag na puwersa sa pagtatanggol ng mga mamamayan at pangangalaga sa kapayapaan

(GMT+08:00) 2020-08-02 11:19:25       CRI

Agosto 1, 2020 ay ika-93 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Liberation Army (PLA).

Nitong 93 taong nakalipas, hindi kailaman nakalimutan ng hukbong Tsino ang orihinal na aspirasyon at tungkulin nito na ipagtanggol ang mga mamamayang Tsino.

Noong unang dako ng kasalukuyang taon, sa harap ng biglaang pagsiklab ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), agarang ipinadala ng hukbong Tsino ang pinakamahusay nitong puwersang medikal sa Wuhan, na naging pangunahing bahagi ng pakikibaka laban sa epidemiya.

Sa kasalukuyang tag-init, binabaha ang maraming lugar sa katimugan ng bansa dahil sa malakas at walang-tigil na ulan.

Tulad ng dati, nasa prontera ang hukbong Tsino sa paglaban sa baha at gumaganap na malakas na tagapagtanggol ng mga apektadong mamamayan.

Samantala, ang hukbong Tsino ay nagsisilbing di-mabubuwag na puwersa sa pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig.

Nitong 71 taong nakalipas, sapul nang maitatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, hindi kailanman naging inisyatibo ng hukbong Tsino ang paglulunsad ng anumang digmaan at sagupaan.

Hindi nito kailanman sinalakay ang anumang bansa, at hindi nito sinakop ang anumang teritoryo ng ibang bansa.

Palagiang iginigiit ng Tsina ang patakarang pagtatanggol ng sarili.

Ang kasalukuyang taon ay ika-30 anibersaryo ng pakikilahok ng Tsina sa tungkuling pamayapa ng United Nations (UN).

Hanggang sa ngayon, nilahukan ng Tsina ang 26 na aksyong pamayapa ng UN.

Sa ipinadalang mahigit 40 libong person-time na tauhang pamayapa ng Tsina, mahigit sampung sundalong Tsino ang nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa usaping pangkapayapaan.

Makaraang sumiklab ang epidemiya ng Ebola sa mga bansa ng Kanlurang Aprika, magkakasunod na ipinadala ng hukbong Tsino ang 6 na grupong medikal sa prontera ng mga apektadong lugar sa Sierra Leone at Liberia para makipagdigma sa epidemiya.

Sapul nang maitatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, ang pinkamalawak na aksyong medikal ng hukbong Tsino ay pagbibigay-tulong sa ibang bansa, bagay na nakakapagpatingkad ng mahalagang papel nito sa usapin ng makataong tulong sa daigdig, at iba pang larangan.

Sa harap ng mga katotohanan nabanggit, sinabi kamakailan sa Richard Nixon Library ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na ang hukong Tsino ay "kagamitang pampamahalaan sa pagkontrol sa daigdig" at "hindi para sa pagtatanggol sa mga mamamayan."

Minsan pa ay ipinakita ni Pompeo ang kanyang balighong uri ng pag-iisip.

Sa ilalim ng pamumuno ng ilang politikong Amerikano, ginugulo ng sandatahang lakas ng Amerika ang situwasyon sa iba't-ibang lugar sa daigdig, habang ipinagtatanggol naman ng hukbong Tsino ang mga mamamayan at pinangangalagaan ang kapayapaan at katatagang pandaigdig.

Ito ang katotohanan at komong palagay ng komunidad ng daigdig!

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>