Idinaos kamakailan ang ika-4 na Pulong ng Emergency Committee ng World Health Organization (WHO) para tasahin ang kalagayang epidemiko sa buong daigdig at iharap ang mga katugong mungkahi.
Pagkatapos ng pulong, ipinatalastas nitong Sabado, Agosto 1 ng WHO na ang pandemic ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay nananatili pa ring "a Public Health Emergency of International Concern (PHEIC)," at napakataas ang lebel ng panganib nito sa buong mundo.
Hinihikayat ng Emergency Committee ang mga kapitbahayan at mamamayan, partikular na mga kabataan, na patuloy at aktibong pigilin ang pagkalat ng COVID-19.
Samantala, iniharap ng komisyong ito ang isang serye ng mungkahing kinabibilangan ng patuloy na pagpapakilos ng WHO sa mga multilateral na organisasyon at partner sa pagsasagawa ng mga katugong gawain, pagpapabilis ng pagsubok-yari ng bakuna, at iba pa.
Salin: Lito