|
||||||||
|
||
Ayon sa 2020 half-year financial report na isinapubliko kamakailan ng L'ORÉAL Group, dahil sa pag-ahon ng kauhayang Tsino mula sa COVID-19, lumaki ng 17.5% ang halaga ng benta nito sa merkadong Tsino kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Anito pa, ang merkadong Tsino ay nagsisilbing "mapagpasiyang" elemento sa pagpapanumbalik ng negosyo ng L'ORÉAL.
Sa epekto ng COVID-19 pandemic, noong unang hati ng kasalukuyang taon, umabot sa mahigit 13 bilyong Euro ang kabuuang halaga ng benta ng L'ORÉAL Group.
Ito ay mas mababa ng 11.7% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Pero dahil sa muling pag-ahon ng pamilihang Tsino, 3.9% lamang ang ibinaba ng halaga ng benta ng L'ORÉAL Group sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |