
Sa isang preskong idinaos Lunes, Agosto 3, 2020, sinabi ni Ran Chengqi, Tagapagsalita ng Beidou Navigation Satellite System (BDS), na ang mga produktong may kaugnayan sa BDS ay iniluluwas sa mahigit 120 bansa't rehiyon sa buong daigdig.
Sinabi ni Ran na lahat ng pangunahing bahagi ng nasabing sistema ay 100% gawa ng Tsina.
Taglay aniya ng Tsina ang 160 nukleong teknolohiyang kinabibilangan ng inter-satellite links, high-precision atomic clocks, at iba pa.
Dahil dito, puwede, ani Ran na malawakang iprodyus ang 28 nanometer Beidou multi-mode chip, at sa loob ng maikling panahon, makakayanan na ring malawakan iprodyus ng Tsina ang mga 22 nm chips.
Bukod dito, maraming smartphone ang na-a-angkop sa mga pungsyon ng Beidou, dagdag pa niya.
Salin: Lito