Nagbabala nitong Miyerkules, Agosto 5, 2020 si Dr. Anthony S. Fauci, dalubhasa sa nakahahawang sakit ng Amerika, na kung walang magkatugmang reaksyon ang iba't ibang estado ng Amerika sa coronavirus, patuloy na sasama ang kalagayan ng pandemiya sa bansa.
Ani Fauci, ang karapatan sa paggawa ng desisyon sa Amerika ay karaniwang nakalagay sa kamay ng mga pamahalaang lokal, pero magkakaiba ang reaksyon ng iba't ibang estado at lunsod ng Amerika sa coronavirus.
Ang pagkakaiba-iba ng mga gawain sa paglaban sa pandemiya ay ang tunay na problema, dagdag niya.
Dagdag pa ni Fauci, dapat isaalang-alang ng Amerika kung aabot sa pamantayan o hindi, ang pagpapanumbalik ng trabaho sa buong bansa, sa halip na ibabase sa magkakaibang estado.
Ayon sa real time data ng Johns Hopkins University, hanggang 7:20am, Beijing time, Huwebes, Agosto 6, umabot na sa 4,816,509 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika. Kabilang dito, 157,854 ang pumanaw.
Salin: Vera