Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

HKSAR, mahigipit na tinututulan ang bagong panununtuan ng Amerika hinggil sa country of origin marking sa mga iniluluwas na paninda

(GMT+08:00) 2020-08-12 17:03:14       CRI

Buong tatag na tinututulan ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang bagong panuntunan ng Amerika hinggil sa country of origin marking sa mga panindang iniluluwas nito sa Amerika.

Ayon sa U.S. Customs and Border Protection (CBP), mula Setyembre 25, 2020, ang lahat ng produkto ng Hong Kong na iniluluwas sa Amerika ay mamarkahan ng "China" sa halip na "Hong Kong."

Ang nasabing panuntunan ay inilabas sa Government Gazette ng Amerika, noong Agosto 11,2020.

Ang Hong Kong ay "separate customs territory" sa ilalim ng patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema," at ito ay miyembro rin ng World Trade Organization (WTO).

Ayon sa kasalukuyang regulasyon ng pandaigdigang kalakalan, dapat markahan ng "Hong Kong" ang mga panindang gawa ng Hong Kong na iniluluwas sa Amerika.

Sinabi ng tagapagsalita ng HKSAR na ipinakikita ng bagong panuntunan ng Amerika na hindi nito iginagalang ang katayuan ng Hong Kong bilang miyembro ng WTO, at ang aksyong ito ay hindi angkop sa mga regulasyon ng WTO.

Bukod dito, walang anumang tulong ang bagong panununtunang ito sa paggarantiya ng kapakanan ng mga comsumers, bagkus magdudulot pa ito ng kaguluhan at makakapinsala sa interes ng iba't ibang panig na kinabibilangan ng Amerika.

Sinabi pa ng tagapagsalita na ang natatanging katayuan ng Hong Kong bilang "separate customs territory" sa patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" ay lehitimong karapatan na ibinigay ng konstitusyon at pundamental na batas ng Hong Kong, at ito ay kinikilala ng mga multilateral na organisasyong kinabibilangan ng WTO.

Aniya, hindi ito maaaring ibigay at kanselahin isang bansa.

Pananatilihin aniya ng HKSAR ang pakikipagpalitan sa komunidad ng daigdig, at kung kailangan, isasagawa nito ang mga hakbangin para pangalagaan ang kapakanan ng Hong Kong.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>