Sa pagtataguyod ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries at pamahalaan ng lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina, sinimulan ngayong araw, Lunes, ika-31 ng Agosto 2020, ang "Beauty in Diversity: Literary Recitation by Young Chinese and South Asians," isang sideline activity ng Ika-9 na China-South Asia International Cultural Forum.
Sa aktibidad na ito, babasahin ng mga college student ng Tsina at mga bansang Timog Asyano ang mga obra-maestrang pampanitikan ng isa't isa, bilang paghanga sa kagandahan ng panitikan ng mga bansang ito, at pagpapalakas ng pagpapalitang pangkultura.
Salin: Liu Kai