Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at Indonesia, magkakaisa para magkasamang labanan ang COVID-19

(GMT+08:00) 2020-09-01 11:04:59       CRI

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono nitong Lunes ng gabi, Agosto 31, 2020 kay Pangulong Joko Widodo ng Indonesia, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dahil sa napakalaking populasyon sa kapwa bansang Tsina at Indonesia, napakahirap ng tungkulin ng pakikibaka laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Xi na patuloy na bibigyan ng matatag na suporta ng panig Tsino ang panig Indones sa usaping ito, ipagkakaloob sa abot ng makakaya, ang tulong na materiyal at teknikal, at ibabahagi ang kaukulang karanasan sa panig Indones.

Ipinagdiinan din ni Xi na ang Indonesia ay mapagkaibigang kapitbansa at mahalagang katuwang ng Tsina. Lubos aniyang pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagkabahala at pangangailangan ng panig Indones sa aspekto ng kooperasyon sa bakuna. Kinakatigan ng panig Tsino ang pagsasagawa ng kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa sa pagsubok-yari, pagbili, at produksyon ng bakuna, dagdag pa niya.

Ipinahayag naman ni Joko na sa kabila ng pandemiya ng COVID-19, napapanatili ng dalawang bansa ang mahigpit na pagpapalagayan. Pinasalamatan niya ang ibinibigay na suporta ng panig Tsino sa pakikibaka ng Indonesia laban sa epidemiya, partikular na pakikipagkooperasyon sa Indonesia sa usapin ng bakuna.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>