Ipinatawag kahapon, Martes, ika-1 ng Setyembre 2020, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ika-15 pulong ng Sentral na Komite sa Pagpapalalim ng Komprehensibong Reporma.
Binigyang-diin ni Xi, na ang pagbuo ng bagong modelo ng pag-unlad ng Tsina, na gawing batayan ang pamilihang domestiko, at patingkarin ang papel ng kapwa pamilihang domestiko at internasyonal sa pagpapasigla ng isa't isa ay estratehikong desisyong inilabas batay sa aktuwal na kalagayan, kapaligirang panloob at panlabas, at pagbabago ng kondisyon ng pag-unlad ng bansa.
Sinabi ni Xi, na para buuin ang bagong modelo ng pag-unlad, dapat isagawa ng Tsina ang mas malalim na reporma at mas mataas na antas na pagbubukas sa labas.
Ipinaliwanag din ni Xi, na ang mas malalim na reporma ay makakatulong sa pagsubok at paglalagom ng mga konkretong nilalaman ng bagong modelo ng pag-unlad. Sa pamamagitan naman ng mas mataas na antas na pagbubukas sa labas, umaasa aniya siyang pahihigpitin ang pag-uugnayan ng kabuhayang Tsino at dayuhan, at palalakasin ang kakayahan ng Tsina sa pagharap sa mga panganib at hamon.
Salin: Liu Kai