Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, hinimok ang Amerika na itigil ang pagtahak sa maling landas

(GMT+08:00) 2020-09-02 16:21:50       CRI

Hinimok ng Tsina ang Amerika na sundin ang prinsipyong Isang Tsina at regulasyon ng Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, agarang itigil ang pagpapataas ng aktuwal na relasyon ng Amerika at Taiwan, agarang itigil ang anumang pagpapalitang opisyal ng Amerika at Taiwan, at itigil ang pagtatahak sa maling landas.

Sa virtual forum na itinaguyod ng Heritage Foundation nitong Agosto 31, 2020, sinabi ni David R. Stilwell, Asistenteng Kalihim ng Estado ng Amerika, na nitong nakaraang 40 taong nakalipas, ang Amerika ay palagiang ginagabayan ng Taiwan Relations Act (TRA), Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, at Six Assurances noong panahon ni Pangulong Ronald Wilson Reagan.

Ang mga aksyon ng Amerika kamakailan ay hindi pagbabago ng patakaran, sa halip, ito'y pagsasaayos sa loob ng framework ng patakarang Isang Tsina. Sinabi ni Stilwell na itinatatag ng Amerika ang bagong bilateral na diyalogo sa Taiwan na naglalayong palakasin ang relasyon nito sa Taiwan at suportahan ang Taiwan sa harap ng presyur mula sa Tsina.

Tinukoy ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon Setyembre 1, 2020 sa Beijing na ang patakarang Isang Tsina ay pundasyong pulitikal at pundamental na paunang kondisyon ng pagkakatatag at pagpapaunlad ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika. Ang TRA at Six Assurances na unilateral na itinakda ng Amerika ay malubhang lumabag sa patakarang Isang Tsina at Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, lumabag din ito sa pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, at naki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina, kaya komprehensibong pagkakamali at ilegal ang naturang dokumento, walang anumang bisa ang mga ito. Buong tatag na tinututulan ito ng pamahalang Tsino.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>