Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Video] Xi Jinping, inilahad ang limang "hindi papayagan ng mga mamamayang Tsino"

(GMT+08:00) 2020-09-04 10:11:19       CRI

Sa talakayang idinaos kahapon, Huwebes, ika-3 ng Setyembre 2020, sa Beijing, bilang paggunita sa ika-75 anibersaryo ng tagumpay ng Chinese People's War of Resistance Against Japanese Aggression at World Anti-Fascist War, inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang limang "hindi papayagan ng mga mamamayang Tsino."

Hindi papayagan ng mamamayang Tsino ang sinumang indibidwal o anumang puwersa na baluktutin ang kasaysayan ng CPC o dungisan ang katangian at layunin ng partido.

Hindi papayagan ng mamamayang Tsino ang sinumang indibidwal o anumang puwersa na baluktutin at baguhin ang landas ng sosyalismong may katangiang Tsino, o itanggi at dungisan ang mga natamong bunga ng mga mamamayang Tsino sa usaping sosyalista.

Hindi papayagan ng mamamayang Tsino ang anumang indibidwal o anumang puwersa na mamagitan sa CPC at mga mamamayang Tsino o likhain ang salungatan sa pagitan ng CPC at mga mamamayang Tsino.

Hindi papayagan ng mamamayang Tsino ang anumang indibidwal o anumang puwersa na igiit ang kanilang kalooban sa Tsina sa pamamagitan ng pananakot, baguhin ang direksyon ng pag-unlad ng Tsina, o hadlangan ang pagsisikap ng mamamayang Tsino para lumikha ng mas maligayang pamumuhay.

At hindi papayagan ng mamamayang Tsino ang anumang indibidwal o anumang puwersa na sirain ang kanilang mapayapang pamumuhay at karapatan sa pag-unlad, hadlangan ang kanilang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa ibang mga mamamayan, o sirain ang usapin ng kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>