Ipinadala ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangulo ng bansa, ang mensahe kay Kim Jong-un, Pangkalahatang Kalihim ng Korean Workers Party bilang pagbati sa ika-72 anibersaryo ng Pambansang Araw ng Hilagang Korea.
Sa mensahe, tinukoy ni Xi na sa ngalan ng CPC, pamahalaan, at mga mamamayang Tsino, ipinaabot niya ang maringal at mabuting pagbati sa Korean Workers Party, pamahalaan, at mga mamamayang Hilagang Koreano.
Ani Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang relasyong Sino-Hilagang Koreano. Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ni Kim Jong-un para mapasulong pa ang tradisyonal na relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa, makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan at mapasulong ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaang panrehiyon.
Salin: Lito