Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, Guest Country of Honor sa CIFIT 2020; Make It Happen In The Philippines, mainit na tinanggap

(GMT+08:00) 2020-09-10 17:21:00       CRI

Ang Pilipinas ay kasalukuyang Guest Country of Honor (GCH) sa 2020 China International Fair for Investment and Trade (CIFIT).

Nagbukas nitong Setyembre 8, 2020, ang apat na araw na 2020 CIFIT at ang Belt and Road Investment Congress sa Xiamen, lalawigang Fujian sa dakong silangan ng Tsina. Alok nito ay mga oportunidad upang ipakilala ang mga pagkakataon para sa pamumuhunan at kooperasyong pang-ekonomiko sa buong mundo.

Pagpapasinaya ng Philippine Pavilion sa 2020 CIFIT     (Larawan : Philippine Consulate General in Xiamen)

Sa panayam ng China Media Group Filipino Service, sinabi ni Glenn Penaranda, Commercial Counsellor ng Philippine Trade and Investment Center-Beijing na ang pagpili sa Pilipinas bilang GCH ay nagbibigay- diin sa good economic fundamentals ng Pilipinas, malakas na ugnayan at pakikipagtulungan sa Tsina at pagtaya sa bansa bilang emerging economy na mabuting paglagakan ng puhunan.

Diin niya, walang katulad na karangalan para sa Pilipinas ang mapili ng dalawang magkasunod na taon at manatili bilang GCH hanggang sa 2021 CIFIT.

Glenn Penaranda (gitna), Commercial Counsellor PTIC-Beijing     (Larawan : Bong Antivola)

Bagong investment brand ng Pilipinas inilunsad

Inilunsad sa 2020 CIFIT ang bagong international investment brand na "Make It Happen In The Philippines." Ito ang kauna-unahang sustained and unified multi-sector, multi-market campaign para sa pamumuhunang dayuhan.

(Larawan : Philippine Consulate General in Xiamen)

Tiwala si Penaranda na ito'y angkop sa Tsina dahil ito ay dinebelop at sinubok sa pinakamalaking ekonomiya sa Asya - ang Tsina.

Paliwanag ng Commercial Counsellor ng Pilipinas, "Sa kampanyang ito, ipoposisyon ang Pilipinas bilang complementary country for hosting ng mga mamumuhunang Tsino na nais umiwas sa tariff barriers na ipinataw ng trade partners ng Tsina. Sisiguruhin din nito ang patuloy na paggalaw ng manufacturing supply chain para sa mga nasabing pamumuhunan at angkop ito sa China+1 strategy na ginagamit ng maraming mga kumpanya." 

Kalahok sa 2020 CIFIT ang mga delegado ng mga pamahalaan, samahan ng mga mangangalakal at negosyante mula sa 42 bansa at rehiyon. Ang naturang perya ay isa sa mga malakihang international economic and trade event na itinataguyod ng Tsina mula nang magsimula ang pandemiya ng COVID-19.

Ayon kay Penaranda, ibinibida ng Philippine Pavilion ang export oriented manufacturing, import substituting labor-intensive activities, produktong pangkalusugan, petrochem, imprastruktura at ang agrikultura at produksyon ng pagkain.

Kabilang sa mga aktibidad sa apat na araw na CIFIT ay ang 2020 Global Investment Forum at siyam na sideline fora and seminars. Nakatuon ang mga talakayan sa galaw ng pandaigdigang pamumuhunan at ang lagay ng ekonomiya ng buong mundo sa gitna ng umiiral na pandemiya. Magtatapos ang 2020 CIFIT sa Setyembre 11.

Mula noong unang araw hanggang sa kasalukuyan, ibinahagi ni Penaranda na malakas ang ipinakitang interes ng mga kalahok, lalo ang mga dumalo sa Philippine Investment Forum kung saan nagpahayag ang maraming kumpanya ng interes.

Pagtaya sa relasyong pangkalakalan ng Pilipinas at Tsina

Bilang pagtatapos sa panayam, inalam ng CMG Filipino Service kung ano ang prospek ng kalakalan at pamumuhunan mula sa Tsina sa panahon ng new normal. Sagot ni Penaranda, "Patuloy na bubuti ang trade and investment relationship ng Tsina at Pilipinas sa tulong na mas maraming na konektibidad na dulot ng Belt and Road Initiative."

Saad pa niya, ang Tsina ay nanatiling top export market ng Pilipinas na may saklaw na 27% sa kabuuang export ng bansa. Ang Tsina rin ang top country-source of imports, na may share na 23%. Para sa 2018, ang Tsina ang may pinakamalaking pinamumulan ng Approved Foreign Direct Investments na umabot sa CYN8 bilyon (Php56 bilyon). Lumaki pa ito ng 21% at umabot sa CYN9.7 billion (Php 67.9 bilyon) sa taong 2019.

"Patunay ang mga datos na ito sa masiglang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa. Nangangahulugan din itong malaki ang interes at potensyal para sa mas masiglang pakikipagnegosyo at pamumuhunan ng Tsina sa Pilipinas. At umaasa si Penarandaakong na magpapatuloy ang paglago nito sa kabila ng mga hamon ng pandaigdigang pandemiya," pagtatapos ni Penaranda.

Mga opisyal ng Pilipinas na kabilang sa delegasyong lumahok sa 2020 CIFIT   (Larawan ni Bong Antivola)

Ulat: Mac Ramos

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>