Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Hukbong Tsino, masusing puwersa sa pagtatanggol ng kapayapaang pandaigdig

(GMT+08:00) 2020-09-19 10:24:02       CRI

Sa kauna-unahang pagkakataon, isinapubliko nitong Biyernes, Setyembre 18, 2020 ng pamahalaang Tsino ang white paper na pinamagatang "China's Armed Forces: 30 Years of UN Peacekeeping Operations" kung saan binalik-tanaw ang proseso, praktis, at nagawang ambag ng hukbong Tsino nitong 30 taong nakalipas sapul nang lumahok ito sa misyong pamayapa ng United Nations (UN). Sistematiko nitong inilahad ang misyon, patakaran, at paninindigan ng hukbong Tsino sa paglahok sa hukbong pamayapa ng UN, at ang natamong bunga sa komprehensibong pagsasakatuparan ng nagawang pangako ng Tsina sa UN Peacekeeping Summit.

Sa pamamagitan ng detalyado at napakaraming katotohanan, napatunayan ng white paper na ang hukbong Tsino ay masusing puwersa sa aksyong pamayapa ng UN, bagay na malakas na pinabulaanan ang maling teorya na umano'y "China is a Military Threat" na pinagkakalat ng iilang politikong Amerikano.

Bilang isa sa mga bansang tagapagtatag ng UN, palagian at buong tatag na napangangalagaan ng Tsina ang sistemang pandaigdig na ang UN ay nukleo. Tinutupad ng Tsina ang karapat-dapat na responsibilidad at obligasyong pandaigdig nito na lubos na kinikilala ng UN at komunidad ng daigdig.

Sa kasalukuyan, dumaranas ang daigdig sa walang katulad na pagbabago, pinalala ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang di-matatag at di-tiyak na elemento sa pandaigdigang situwasyong panseguridad. Kaya dapat magkakasamang isabalikat ng iba't-ibang bansa, partikular ng mga malalaking bansa, ang responsibilidad ng pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig.

Ngunit nagagalit na iilang politikong Amerikano na gaya ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, siya ay hindi lamang tumatakas sa kanilang sariling obligasyong pandaigdig, kundi naninirang-puri sa Tsina na umano'y "pinapalakas ng Tsina ang hukbo nito sa pamamagitan ng paglahok sa aksyong pamayapa" at "pagpapalakas ng ekstensiyang militar ng Tsina sa ibayong dagat."

Sa katotohanan, sila ang talagang may kagagawan ng pagpapaigting ng tensyon sa situwasyong pandaigdig sa pamamagitan ng pagpapadala ng puwersang militar sa rehiyong Asya-Pasipiko. Lantaran din nilang isinusulsol ang konprontasyon ng idelohiya at pinupukaw ang paglulunsad ng "New Cold War" na naglalayong muling ilagay ang daigdig sa kaligaligan at pagkakahiwa-hiwalay.

Napapatunayan ng mga katotohanan na ang nasabing mga politikong Amerikano ay talagang tagapagbunsod sa kaguluhang panrehiyon, lumalabag sa kaayusang pandaigdig, at naninira sa kapayapaang pandaigdig.

Kung babalik-tanawin ang kasaysayan, mas mababatid ng mga tao ang di-madaling pagkuha ng kapayapaan at kahirapan ng pagtanggol sa kapayapaan. Kahit anong pagbabago ng situwasyong pandaigdig, iginigiit ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, at tulad ng dati, kinakatigan ang mga aksyong pamayapa ng UN, buong tatag na ipinagtatanggol ang multilateralismo, at pinapasulong ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan para makapagbigay ng mas maraming matatag na puwersa para sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>