Sa ngalan ng buong bansa, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang paghanga at pagpupugay sa mga kababaihang nasa unang hanay ng pakikibaka sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa kanyang talumpating naka-video nitong Huwebes, Oktubre 1, sa Pulong ng United Nations (UN) bilang Paggunita sa Ika-25 Anibersaryo ng Fourth World Conference on Women, sinabi ni Xi, na patuloy pa rin ang pakikibaka ng buong mundo sa pandemiya; at patuloy pa rin ang pagsusumikap ng mga kababaihang manggagamot, nars, siyentista, manggagawang pangkomunidad, boluntaryo, at iba pang tauhan sa pagpigil at pagkontrol ng pandemiya.
Itinataya nila ang kanilang buhay at kaligtasan, sa araw at gabi para maprotektahan at mailigtas ang buhay ng iba pang mamamayan, kaya naman, kailangang i-alay ng lahat ang paggalang at paghanga sa kanila, diin ng pangulong Tsino.
Salin: Jade
Pulido: Rhio