![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Sa modernong lipunan, mabilis ang ritmo ng pamumuhay ng mga tao dahil sa malaking presyur. Di maiiwasan ang dumarami ng problema kung ang kalusugan ang mapag-uusapan. Ang susunod na 3 paraan ay makakabuti sa inyo para mabawasan ng pinsalang dulot ng presyur at mapalakas ang inyong katawan at ang 3 paraang ito ay esensiya sa Traditional Chinese Medicine o TCM: mahimbing tulog, magkabalanseng pagkain at katamtamang pagsasanay.
Ang isang mabuting tulog ay nangangahulugan ng tamang kumpas, sapat na oras at sa tamang oras.
Ang tamang kumpas ng tulog ay "sleep as bow" at "light burden for rightward". Kasi, nabawasan nito ang gravity sa katawan at mas nakaka-aaliw-aliw habang matulog. Samantala, huwag ipatong ang kamay sa paligid ng puso.
8 oras na tulog ay angkop sa mga taong nasa hustong gulang. Mga 10 oras ay pangangailangan ng mga bata. Ang sapat na tulog ay nakakabuti sa pagbawas ng pagod at presyur ng mga taong nasa hustong gulang at sa paglaki ng mga bata.
Sa TCM, hinggil sa tulog, may magkakaibang tuntunin sa apat na panahon: sa tagsibol at tag-init, "late sleep and early awake". Sa taglagas, "early sleep and early awake". Sa taglamig, "early sleep and late awake".
Bukod dito, napakahalaga ng "Ziwu" sleep. Para sa mas mabisang tulog, dapat isaayos ang inyong tulog para makatulog sa Zi (11:00 pm to 1:00 am of second day) at Wu (daytime 11:00 to 13:00). Kasi, ang Zi at Wu ay panahon ng pagbabago ng "Yin" o negative at "Yang"o positive ng katawan, ang tulog ay pinakamabisang pahinga ng atay at apdo.
At hinggil sa magkabalanseng pagkain at katamtamang pagsasanay, ikukuwento ko sa inyo sa susunod na artikulo.
Mahilig po ba kayo sa Traditional Chinese Medicine? Welkam sa inyong komento at mga impormasyong nais ninyong malaman hinggil sa TCM.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |