![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Unang una, ipinaaabot ko ang aking pakikiramay sa sambayanang Hapones sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay at pagkasira ng kanilang mga tahanan dahil sa pamatay na lindol at tsunami na dumaluyong sa bansa. Umaasa ako na muli nilang maitatayo ang kanilang mga tahanan sa lalong madaling panahon at malalampasan ang dinaranas na pagsubok.
Samantala, ang mga karanasan ng Hapon sa pagharap sa lindol ay karapat-dapat na pag-aralan ng pamahalaang Tsino. Ang mga ito ay, pangunahin na, kung papaanong patataasin ang kakayahan ng mga mamamayan sa pagharap sa lindol.
Kahit sulong ang siyensiya at teknolohiya ngayon sa iba't ibang larangan, imposible pa ring tumpak na mataya ng alinmang bansa ang lindol.
Sa larangang ito, mahusay ang panig Hapones. Halimbawa, mayroon silang basic courses hinggil sa pagharap sa mga kalamidad sa lahat ng mga paaralan, regular na idinaraos ang mga pagsasanay para sa pagharap sa lindol, isinasagawa ang iba't ibang uri ng aktibidad para palaganapin ang mga karanasan hinggil sa pagharap sa kalamidad sa pagitan ng mga mamamayan at maski sa pang-araw-araw na pamumuhay, naghahanda ang mga Hapones para sa pagharap sa mga kalamidad.
Kaya, madaling mauunawaan na sa pagharap sa kasalukuyang lindol, maayos naman ang pamumuhay ng mga apektadong Hapones.
Pero, para sa pamahalaan at mga mamamayang Tsino, kaunti ang mga ginagawa hinggil dito. Kahit mas maliit ang pagkakataon ng Tsina sa pagganap ng lindol kumpara sa Hapon at mahusay naman ang gawaing panaklolo ngayon ng pamahalaang Tsino, walang taong makakataya sa lindol na gaya ng malakas na lindol sa lunsod ng Tangshan noong 1976, linsol sa Wenchuan noong 2008, lindol sa Yushu noong 2010.
Kaya, kung malalaman ng mas maraming mamamayang Tsino kung ano ang dapat nilang gawin kung may lindol, tiyak na magiging mas malaki ang pagkakataon nila na manatiling buhay buhay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |