Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Tsina, ASEAN pinasulong magandang pagpapalagayan

(GMT+08:00) 2011-05-05 13:42:22       CRI

Mula ika-27 hanggang ika-30, nagsagawa si Premyer Wen Jiabao ng Tsina ng opisiyal na pagdalaw sa Malaysiya at Indonsiya. Ang katatapos na pagdalaw ng premyer na Tsino ay mainit na tinanggap sa lokalidad at itinuring bilang makabuluhang hakbangin para sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng Tsina at Indonesiya at ng Tsina't Malaysiya, at maging ng Tsina't ASEAN.

Kumpara sa mga natamong bunga ng Tsina at Indonesiya at Malaysiya sa kabuhayan, kalakalan at pamumuhunan, mas mahalaga ang katuturan ng pakikipagpalitan ni Premyer Wen sa mga estudyante sa lokalidad.

Halimbawa, sa kanyang pananatili sa Indonesiya, bumisita si Premyer Wen sa University of Al Azhar, isang Islamikong pamantasan sa Jakarta. Sinabi niya na ang pakiramdam niya noong mga oras na iyon ay parang siya ay nasa sarili niyang bansa dahil sa Tsina, aniya, ay may mahigit 20 milyong populasyon ang mga mananampalataya ng Islam. Bukod dito, binigyang-diin niya na sa anumang bansa, dapat maggalangan ang iba't ibang lahi at relihiyon at magturingang magkakapantay-pantay.

Hindi lamang sa Indonesiya, kundi sa Malaysiya, pinili ni Wen ang University of Malaysia bilang unang lugar para bisitahin. Ipinahayag niya na dapat ipauna ang kooperasyong pang-edukasyon sa mga kooperasyon ng dalawang bansa. Kasabay nito, lumagda ang mga pamahalaan ng dalawang bansa sa kasunduan ng pagkilala sa kani-kanilang academic degrees at karanasang pang-pamantasan at pang-kolehiyo. Ito'y nagpapakita ng paggalangan sa kultura ng isa't isa.

Sa katotohanan, kahit ang kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan ay nakakapagpahigpit sa relasyon ng alinmang dalawang bansa, ang paggagalangan at pag-uunawaan sa kani-kanilang kultura at mga mamamayan ay mas mahalaga para maigarantiya ang pang-matagalang pagkakaibigan.

Kaya, kahit nananatili pa rin ang pagkakaiba ng Tsina at mga bansang ASEAN at sa pagdalaw ni Premyer Wen, hindi pa rin tuluyang naiwaksi ang isyung ito, kung mapapalalim ang kanilang pagkakaunawaan at pagtitiwalaan hindi ikabahala ng mga bansang ASEAN ang posibilidad ng pagiging hostilo sa kanila sa kanila ng tsina at pagdudahan ang hangaring pangkapayapaan ng Tsina, ito'y makakatulong nang malaki sa paglutas sa mga isyung ito sa mapayapang paraan at nang walang kalahok na ikatlong panig.

Sumapit na ang ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN at mabunga ang kooperasyon nila sa mga larangan na gaya ng kabuhayan, kalakalan at pamumuhunan, pero, kailangan pa rin ang ibayo pang pagsisikap ng dalawang panig para mapalalim ang kanilang pagkakaunawaan at pagtitiwalaan. Mahalaga rin ito para mapasulong ang bilateral na relasyon, magkasamang pag-unlad at kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>