![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
International Children's Day, isang pestibal para sa mga bata sa buong daigdig. Masalimuot ang damdamin ko hinggil dito.
Noong bata pa ako, ang gusto ko ay lumaki agad ako. Kasi kung malaki na ako, wala na akong gawaing-bahay, wala na akong mga pagsusulit at ligtas na ako sa sermon ng mga titser. Ito ay nangangahulugan din na maari na akong mamuhay ayon sa sarili kong kagustuhan at labas na ako sa kontrol ng aking mga magulang.
Pero, noong makumpleto ko ang kurso ko sa pamantasan at magsimula nang magtrabaho, unti-unting nagbago ang takbo ng aking isip. Parang gusto ko uling magbalik sa pagkabata, kasi, kung bata ka, wala kang nararanasang presyur sa buhay at trabaho at simple lang at masaya ang pamumuhay.
Sa tingin ko, pinakamaganda ang panahon ng pagkabata, at ganito rin ang nararamdaman ng halos lahat ng kontemporaryo kong Tsino.
Kumusta ang mga bata ngayon sa Tsina? Isang katotohanan na mas maningning ang mga batang Tsino ngayon kaysa mga bata noong araw, dahil mas maraming alam na skills ang mga bata ngayon. Pero, ito ay bunga ng pagpasok nila, hindi lamang sa paaralan, kundi sa iba pang mga training centre sa labas ng paaralan na gaya ng English, Chinese. Math, piano at iba pang mga kahusayan.
Bukod dito, mas marami ring mapapagpiliang libangan ngayon ang mga bata. Halimbawa, television, computer, mobile phone at iba pang mga laruan. Ibig-sabihin, okey lang sa mga bata ngayon na maglaro mag-isa sa loob ng bahay at hindi nila kailangan ang kalaro. Ito kasi ang resulta ng progreso ng teknolohiya at siyensiya—mas maliliit at compact na laruan. Pero, ito rin ay malaking pagbabago na kaunti lamang ang pagkakataon nilang maglaro kasama ng ibang bata sa labas ng bahay na tulad noong araw.
Ito kasi madaling maintindihan ang pagkabahala ng mga magulang ngayon kaugnay ng safety sa paglalaro ng kanilang mga anak. Lumiliit nang lumiliit kasi ang lugar para sa relaxation at dumarami nang dumarami ang mga sasakyan sa kalye at kulang sa espasyo para sa paglalaro ng mga bata.
Sa kabilang dako, tulad ng sinabi ko kanila, nagbibigay ang mga bata ngayon ng maraming pagsisikap para maging maningning; ibig sabihin, kulang sila ng oras sa paglalaro dahil abala sila sa pagtatamo ng iba't ibang skills. Ke makakatulong man o hindi sa kanilang pag-aaral o sa paghahanap-buhay sa hinaharap ang mga natamo nilang kahusayang ito, hindi nangangahulugan na ang pag-aaral lamang ang buong nilalaman ng kanilang pamumuhay. Kasi pinakamaganda ang panahon ng pagkabata sa buhay ng isang tao at dapat mayaman ang mga nilalaman ng panahon ng pagkabata.
Kahit mahirap pagbalansehen ang pag-aaral at paglalaro, umaasa ang lahat ng mga bata na magkakaroon silang mas mahabang oras sa paglalaro at walang duda, basta tapos na silang mag-aral ng leksiyon, di na sila pagbabawalan ng kanilang mga magulang at titser.
Maligayang pagdating, International Children's Day, maligayang kaarawan sa iyong lahat ng mga bata sa buong daigdig!!
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |