Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-46 2011

(GMT+08:00) 2011-06-15 15:21:50       CRI

June 12, 2011 (Sunday)

Kumusta na? Okey lang ba kayo diyan? Siyempre, kung okey kayo diyan, okay din kami dito; at kung wala kayo diyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, e.

dragon boat race

Salamat sa mga nagpadala ng pahabol na mga mensaheng pang-Dragon Boat Festival. Salamat sa 919 462 8180, 917 808 8118, 917 483 2281, 910 619 8402, 918 730 5080 at 919 012 0792.

Sabi ni Let Let Alunan ng Germany, habang lumalaki raw ang website namin, lumalaki rin ang grupo ng mga tagapakinig namin sa Europe, partikular na sa Germany, Denmark, Finland at Switzerland. Halos lahat daw ng mga kababayan sa nabanggit na mga bansa ay regular na bumibisita sa aming website. Mabuti naman para magising sila sa katotohanan na ang website ng CRI Filipino Service ay kaisa-isa sa mundo pero malakas, mailalaban at matatag.

Sa isang bahagi ng kanyang sulat, sinabi ni Eloisa Magbanua ng Antipolo: "Kuya Ramon, tama ang sabi ng isang DX-ER mo, sa simula, dahil sa hindi mo maintindihan ang lyrics, hindi mo karaka-raka maa-appreciate ang Chinese songs. Pero, sa katagalan, pag paulit-ulit mong pinakinggan, ito ay iyo na ring magugustuhan. Sino ba ang mag-aakala na magugustuhan ko ang awitin at tinig ni Teresa Teng. Sige pa, Kuya, Chinese songs pan…

Teresa Teng

Sabi ng 917 365 4412: "Love and care sa inyo, Serbisyo Filipino! Alam ko na time will come kung kelan kayo ay magiging number one!"

Sabi naman ng 928 655 5213: "Kuya Ramon, binabati ko ang CRI sa malakas na dating nito sa apat na sulok ng mundo!"

Sabi naman ng 917 483 2281: "More power sa most loved SW station sa daigdig at sa most interesting program in town."

ORANGE-FLAVOR SODA WATER

(NAN QUAN MAMA)

Narinig ninyo ang Nan Quan Mama sa awiting Orange-Flavor Soda Water na hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

EVERYBODY

(JACKY CHEUNG)

Narinig ninyo si Jacky Cheung sa awiting "Everybody," na lifted sa album na may pamagat na "Are You Falling in Love?"

Jacky Cheung

Sabi ng 915 701 2204: "Nahihiya ako sa inyo. Panay na panay ang sulat ninyo at padala ng regalo pero ako walang maipadala sa inyo kahit ano. Hindi sapat ang pakikinig ko para masuklian ang inyong thoughtfulness…"

Sabi naman ng 928 922 5330: "Kuya, pakisama naman ang pangalan ko sa mga regular mong binabati. Very regular din naman ako sa inyo, ah. Banggitin mo lang ang pangalang Plum-Plum, solved na ako.

Sabi naman ng 917 351 9951: "Kulang lang ang space ng mobile phone ko. Maaring isa-isahin ko sa inyo ang mga patunay na ang inyong website ay hindi lang basta maipagmamalaki, kundi isa ring kapakipakinabang na source ng information tungkol sa China at sa China Radio International."

Salamat sa inyong text messages.

>> Pasok sa Ramon's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>