Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Inflation, dumating ba sa Tsina?

(GMT+08:00) 2011-06-16 22:04:16       CRI
Ayon sa datos na ipinalabas ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina noong ika-14 ng buwang ito, ang CPI ng Tsina noong nagdaang Mayo ay lumaki ng 5.5% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2010 na naging record sa kasaysayan at ito ay patuloy ring tumataas nitong nagdaang 34 na buwang singkad.

Para sa mga karaniwang Tsino—parang sa akin din—hindi nila lubos na maunawaan ang hinggil pagtaas ng CPI at inflation, pero, iisa lang ang kanilang palagay na nagmamahal ang mga paninda at tumataas din ang upa sa bahay at presyo nito. Halimbawa, ang presyo ng mga pagkain noong nagdaang Mayo ay lumaki ng 11.7% at ang upa sa bahay at presyo nito ay lumaki ng 6.1%.

Ke ito man ay nangangahulugan ng pagdating ng inflation sa Tsina o hindi, ito ay talagang nakakaapekto sa pamumuhay, hindi lamang ng mga mamamayang Tsino, kundi maging ng mga dayuhan.

Halimbawa sa Beijing, para sa karamihan ng mga tao na nagtatrabaho at namumuhay dito pero wala pang bahay, hinding hindi nila kakayaning bumili ng bahay kaya sila ay nangungupahan lamang. Sa upa napupunta ang pinakamalaking slice ng kanilang budget dahil hindi maaring wala silang tirahan.

Ngayon, sa Beijing, ang upa sa isang bahay na may 2 kuwarto ay mula 2200 hanggang sa 4000 yuan RMB. Kung mas malayo sa gitna ng lunsod, mas luma at mas maliit, mas mababa ang upa. Ibig-sabihin, kung gusto ninyong tumira sa mas mabuti-buting bahay, dapat nakahanda kayong magbayad ng mas mahal, dahil maaring mura nga ang bahay mo, pero mas malaki naman ang gastos mo sa enerhiya at mas mahaba ang oras ng biyahe papunta sa opisina, shopping mall, paaralan at iba pang purok-- kahit sulong ang pambansang komunikasyon sa Beijing.

Sa aspekto ng pagkain, parehong-pareho ang kahalagahan nito sa bahay, pero ang pagkakaiba lang ay, ang gastos sa pagkain ay malaki sa unang beses at, nakakahanap ng mas murang pagkain kapalit ng mahal, kaya ang presyur nito ay hindi gaanong mabigat kumpara sa upa ng bahay.

Kumpara sa mabilis na pagtaas ng CPI, hindi ganoon kabilis ang pagtaas ng suweldo ng mga Tsino, kaya, ke may inflation sa Tsina o wala, ang tungkulin ng pamahalaan ay hindi lamang hanapin ang pinagmumulan nito, kundi maging ang paglutas dito.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>