|
||||||||
|
||
Kamakailan, isang babaeng gumagamit ng pangalang Guo Meimei sa kanyang blog ang nakatawag ng malaking pansin ng web surfers ng Tsina. Dahil sa kanyang blog, nailantad niya sa publiko ang marangya niyang pamumuhay at naipangalandakang siya ay manager ng isang organisasyong komersiyal na ari ng Red Cross Society ng Tsina.
Sa totoo lang, ang mga bagay na naglalaro sa isipan ng mga netizen na Tsino ay kung tunay nga ba siyang manager ng organisasyong komersiyal na ari ng Red Cross Society ng Tsina at kung ang perang ginagastos niya sa kanyang luho ay galing sa perang inabuloy sa RCS.
Walang duda na ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng malaking epekto ng macro-blog ng mga netizen at mga negatibong asal ng mga mamamayan sa internet. Pero sa tingin ko, ang insidenteng ito ay nagpapakita lamang na di-sapat na bukas ang mga suliraning administratibo ng pamahalalaang Tsino sa publiko; ibig-sabihin, di alam ng publiko ang takbo at mga suiliranin ng pamahalaan kaya madali silang matangay ng mga di-sigurado o maling impormasyon.
Halimbawa sa insidenteng ito, kahit kinumpirma pa ng RCS ng Tsina na si Guo Meimei ay hindi lehitimong miyembro ng staff nito. Pero, kung alam ng publiko ang mga bagay na may kinalaman sa listahan ng mga staff ng RCS at kung paanong ginagamit ng RCS ang pondong inaabuloy dito, madaling makakagawa ang mga netizen ng tamang konklusyon sa insidenteng ito.
Bukod sa insidenteng ito, nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng pag-unalad ng lipunan ng Tsina, unti-unting nagiging malakas ang hangarin ng mga mamamayang Tsino sa pagkaunawa sa mga suliraning panpubliko at admistratibo para mas magandang mapangalagaan ang kanilang lehitimong karapatan at kapakanan.
Pero, kumpara sa ganitong lumalaki nang lumalaking hangarin ng mga mamamayan, gumagapang ang nakatugong pagbabago ng pamahalaan. Kahit gumagawa na ito ng mga pagsisikap na gaya ng pagtatatag ng mga website at mga telephone line, pero, hindi pa rin umaabot ang mga ito sa kanilang inaasahang target. Kaya, habang lumilitaw ang ilang problema sa proseso ng pagsasagawa ng mga patakaran, hindi alam ng mga mamamayan kung alin talaga ang totoo, kaya may pagkakataon na humahantong ang hindi pagkakaunawang ito sa aksiyong pangmasa na gaya ng pagdraos minsan ng demonstrasyon sa Inner Mengolia kamakailan.
Back To Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |