![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
August 14, 2011
Seremonya ng pagbubukas ng 26th Summer Universiade
Maraming salamat sa lahat ng nagpadala ng mensaheng pambati para sa pagbubukas ng 26th Summer Universiade sa Shenzhen, Guangdong, China.
Ang Shenzhen Universiade 2011 ay nagbukas noong Biyernes ng gabi at dinaluhan pangunahin na nina Pangulong Hu Jintao ng Tsina at G. George Killian, pangulo ng International University Sports Federation o FISU.
Shenzhen, Guangdong, Tsina
May slogan na "Start here, make a difference," ang Shenzhen Universiade ay nakaakit ng 7,800 manlalaro mula sa 152 bansa't rehiyon ng daigdig, at itinuturing na siyang pinakamalaking palaro sa kasaysayan ng Universiade.
Ang FISU na itinatag noong 1949 ay naglalayong magkaloob ng pagkakataon para sa mga mag-aaral ng pamantasan sa buong daigdig na makapag-ugnaya't talastasan sa isa't isa at maipakita ang kanilang commitment sa kapayapaan at pagkakaibigan.
Gusto ko ring pasalamatan iyong mga nagpadala ng kanilang sagot sa aming paligsahang pangkaalaman hinggil sa 70th anniversary ng China Radio International. Doon sa mga hindi pa nakakapagpadala, magpadala na kayo. Ito na ang pagkakataon ninyo para makapunta sa China nang walang gastos. Para sa mga detalye, bisitahin lamang ninyo ang aming website na Filipino.cri.cn.
Kumusta sa lahat ng mga kaibigan sa Shunyi, Beijing. Lagi daw silang nakikinig sa Gabi ng Musika. Salamat sa inyong pagtataguyod. God bless.
Sabi ni Dr. George ng San Andres: "Binabati ko ang China sa pagho-host nito ng 26th Universiade. Ang palarong ito ay magandang pagkakataon para sa pagpapalitang pangkultura ng mga manlalaro sa buong daigdig."
Sabi naman ni Ambi ng Pandacan: "Mabuhay ang Shenzhen Games. Ito ay magandang training para sa pag-a-adopt ng iba't ibang sports values. Ito ay isa ring sports success ng China."
Sabi naman ni Myrna ng Shunyi, Beijing, China: "Ang Shenzhen Universiade 2011 na siguro ang pinaka-glamorous na palaro sa kasaysayan ng Universiade."
BABY SISTER
(GUANG LIANG)
Narinig ninyo si Guang Liang sa awiting "Baby Sister," na lifted sa album na pinamagatang"Michael Fairy Tale."
LOOKING SIDEWAYS
(EASON CHAN)
Iyan naman si Eason Chan sa awiting "Looking Sideways," na hango sa album na pinamagatang "Digital Life."
Sabi ng 917 351 9951: "Kumusta, Kuya Ramon? Maganda dating ng inyong transmission dito sa amin. Enjoy kami ng pakikinig sa Gabi ng Musika at iba pa."
Sabi naman ng 135 202 34755: "Kuya Mon, magpatugtog ka naman ng Christine Fan. Siya ang gusting-gusto kong Chinese singer. Bukod sa mga balita, ang Pop China at Gabi ng Musika ang lagi kong pinakikinggan."
Christine Fan
Sabi naman ng 138 114 09630: "Palagi akong sumasali sa inyong mga knowledge contest. Hindi ako nananalo. Sana manalo ako this time."
Salamat sa inyong mga mensahe.
Para sa inyong comments o suggestions, ipadala lamang ang inyong mga mensahe sa 921 257 2397, kung sa SMS o sa Filipino_section@yahoo.com, kung sa e-mail o sa crifilipinoservice@gmail.com, kung sa facebook.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |