Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Tropang pandagat ng Tsina, nagsimulang pumasok sa blue sea

(GMT+08:00) 2011-08-19 14:19:23       CRI

Isinagawa kamakailan ng Varyag, kauna-unahang aircraft carrier ng Tsina ang subok-paglalayag sa dagat, at ito ay palatandaang nagsimula nang pumasok ang tropang pandagat ng Tsina sa blue sea. Kahit ang aksyong ito ay nagsisilbing isang suliraning panloob ng Tsina, hindi rin nito naiwasang matawag ang malaking pansin ng buong daigdig.

Bilang isang uri ng napakalakas na sandata sa kasalukuyang daigdig, kung opisiyal na sasapi ang aircraft carrier na ito sa tropang pandagat ng Tsina, siguradong makakaapekto ito sa kasalukuyang kalagayang pandagat ng bansa. Pero, ang normal na takbo ng aircraft carrier ay nangangailangan ng pagkatig ng sulong na teknolohiya, malaking pondo, espeyal na piloto at ibang mga may kinalamang sandata, at bukod sa mga aspektong nabanggit, ang aircraft carrier ng Tsina ay hindi pa dumaraan sa pagsubok ng panahon, kaya, kahit ang Tsina ay may ika-2 pinakamalaking GDP sa daigdig, malayo pa rin ang aircraft carrier nito sa normal na takbo ng isang tropang pandagat.

Kung ganoon, bakit ang pagsubok ng kauna-unahang aircraft carrier ng Tsina ay nakatawag ng ganitong malaking pansin?

Una, ito umano'y pangangailangan ng mga dayuhang media na, sa totoo lang, ay hindi lamang sa aircraft carrier, kundi sa mga pangyayari sa Tsina na gaya ng Huang Yimo o Mini Mao, Guo Meiei at iba pa. Kung makikita ang ibang mga malaking bansa na gaya ng Rusya, Pransya, India--maksi na sa Thailand--sila ay pawang may aircraft carrier. Ang Estados Unidos ay may 11 tumatakong aircraft carrier na pinakamarami sa buong daigdig at ang mga ito ay pinakasulong at pinakamalakas. Kaya bilang isa sa mga malaking bansa sa daigdig, di dapat pagtakhan kung may isang aircraft carrier ang tropang pandagat ng Tsina.

Ikalawa, may mahabang hanggahang pandagat ang Tsina, kaya, kailangan ang sapat na puwersa para maipagtanggol ang kabuuan ng teritoryo at soberanya ng bansa. Pero, sa kasalukuyan, di gaanong sulong ang mga sandata ng tropang pandagat ng Tsina at ang mga ito ay luma at matagal nang ginagamit. Masasabing ang kakayahan ng tropang pandagat ng Tsina ngayon ay hindi makakatugon sa pangangailangan sa pangangalaga sa kapakanan at karapatang pandagat nito, kaya kailangan din ang pagpapabuti ng mga kakayahan ng tropang pandagat ng Tsina.

Mangyari pa, may mga hidwaang panghanggahan ang Tsina at mga karatig na bansa sa dagat at ikinababahala nila na kung may aircraft carrier ang Tsina, may posibilidad na salakayin sila nito. Pero, kung titingnan ang kasaysayan ng Tsina, hindi pa ito nakialam ni minsan sa suliraning panloob ng ibang bansa at ang mga mamamayang Tsino ay palagiang nagmamahal sa kapayapaan. Ito ang malaking pagkakaiba nito sa umano'y "world police," na kung sino ay laging gustong makialam sa mga suliranin ng ibang bansa at lutasin ang mga hidwaan sa paraang militar.

Back To Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>