Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] PNoy Aquino, maligayang pagdating sa Tsina!!

(GMT+08:00) 2011-08-29 18:43:07       CRI

Sa paanyaya ni Pangulong Hu Jintao, magsasagawa si Pangulong Benigno Aquino III ng dalaw-pang-estado sa Tsina mula ika-30 ng Agosto hanggang ika-3 ng Setyempre ng taong ito. Ito ang kauna-unahang pagdalaw ni Aquino sa Tsina sapul nang manungkulan siyang Pangulo ng Pilipinas.

Para sa mga mamamayang Tsino, ang Pilipinas ay isang maganda, pero banyagang bansa. Ang alam lamang nila ay ang Pilipinas ay may magagandang beach, magagandang romantic series, masasarap na saging at mangga at mahuhusay na kasambahay. Pero ipinalalagay din nilang hindi gaanong maganda ang relasyon ng dalawang bansa kasunod ng panunungkulan ni Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas, dahil sa isyu ng South China Sea.

Halimbawa, ang pagbisita ng 4 na mambabatas ng Pilipinas noong nagdaang Hulyo sa isla na may hidwaan ng Tsina at Pilipinas ay nagdulot ng malaking pagkapoot ng mga mamamayang Tsino. Kahit ipinahayag ng mababang kapulungan ng Pilipinas na ito ay kanilang sariling aksyon at hindi pinagtibay ng kapulungan, para sa mga karaniwang mamamayang Tsino, sila ay mga mambabatas na bahagi ng mababang kapulungan at ang kanilang aksyon ay hindi tumanggap ng anumang pagpuna ng pamahalaan, kaya ito ay nagpapakita ng atidyud ng pamahalaang Pilipino na pagkatig o hindi pagtutol sa kanilang aksiyon.

Tulad ng sinabi ni Pangulong Aquino kamakailan habang kinakapanayam siya ng mga media ng Tsina, malaki ang pagkakaiba ng sistemeng pulitikal ng Pilipinas at Tsina at kulang sa malalim na pagkakaunawaan ang isa't isa, kaya mahalagang mapakinggan at malaman ang kani-kanilang palagay. Ang pagdalaw na ito ni PNoy Aguino ay isang magandang pagkakataon na mapalalim ang pagkaunawaan ng dalawang panig.

Sa katotohanan, ang pagkakaiba ng dalawang bansa sa isyu ng South China Sea ay isang maliit na bahagi lamang ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Mas malaki ang pagpapalagayan ng dalawang bansa sa mga larangan na gaya ng negosyo, kultura, edukasyon at turismo.

Halimbawa, noong 2010, ang bilang ng mga turistang Tsino sa Pilipinas ay lumampas sa 1 milyong person-time. May mga Pinoy na nagtatrabaho sa Tsina bilang guro, banda, kasambahay, driver at iba pa. Ang mga banding Pilipino ay mainit na tinatanggap sa Beijing, Shanghai at iba pang mga malaking lunsod ng Tsina. May mga Pinoy ding nag-aaral ng wikang Tsino sa mga pamantasan ng Tsina at may mga estudyanteng Tsino na nag-aaral ng wikang Filipino sa Peking University.

Kung ganoon, bakit di gaanong nagkakaunawaan ang dalawang panig? Sa tingin ko, ang pagpapalagayan ng dalawang bansa ay hindi lamang sa pagitan ng mga pamahalaan, kundi sa pagitan din ng kanilang mga mamamayan, at ito ay nangangailangan ng pagkatig ng kani-kanilang pamahalaan at magkasamang pagsisikap ng dalawang panig.

Kasabay nito, puwede ring magsagawa ang Tsina at Pilipinas ng ibayo pang pagtutulungan sa negosyo at gawaing panaklolo. Ayon sa salaysay, ang entorahe ni Pangulong Aquino ay kinabibilanan ng halos lahat ng mga kinatawan ng mga pangunahing kompanya sa Pilipinas. Ito ang palatandaan ng kahalagahan ng pamilihang Tsino para sa Pilipinas. Tulad ng alam ng lahat, laging sinasalanta ang Pilipinas ng mga likas na kalamidad na gaya ng bagyo, baha, landslide at iba pa. Sa Tsina, naganap din ang grabeng lindol sa Sichuan noong 2008 at iba pang mga kalamidad na likas. Kaya ang pagsasagawa ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangang ito ay siguradong makakabuti sa kanilang mga mamamayan.

Ang Tsina at Pilipinas ay magkapitbansa sa Asya at may maganda at mahabang kasaysayan ng pagpapalagayan. Umaasa ang lahat na ang pagdalaw ni Pangulong Noynoy Aquino sa Tsina ay magpapalalim sa pagkkaaunawaan ng dalawang bansa.

Maligayang pagdating sa Tsina, Pangulong Aquino.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>