|
||||||||
|
||
Ngayong taon, 2011, ay ika-100 anibersaryo ng pagkakaganap ng rebolusyon ng taong Xinhai ng lunar calendar ng Tsina. At kaugnay nitong mahalaga at malaking rebolusyong naganap sa Tsina noong taong 1911, iba't ibang ideya, komento, at palagay ang lumabas hinggil sa mga pangyayari at tauhan nito. Datapuwa't ang rebulosyong ito ay hindi siyang lubos na nagsakatuparan ng pagyaman at paglakas ng Tsina, ang pinakamahalaga at hindi mapagtatalunang bunga naman nito ay ang pagbibigay-wakas sa mahigit 2000 taong panahon ng pagpapatakbo sa bansa ng iisang tao lamang at pagtatanim ng ideya ng demokrasya at republika sa kaibuturan ng mga puso ng mga mamamayang Tsino.
Di-tulad ng mga rebolusyong naganap sa Tsina noong unang panahon na gaya ng pag-aalsa ng mga magsasaka at kudeta sa loob ng palasyo, ang Rebolusyon ng Taong 2011 ay isang malawak na rebolusyon na nilahukan ng lahat ng mga sirkulo ng Tsina--manggagawa, mangangalakal, magsasaka, intelektuwal, opisyal, kawal at iba pa. Ang rebolusyong ito ay siya ring nagbago sa ideya, anyo, sistemang pangpulitika, at kultura ng Tsina.
Noong katapusan ng taong 1911, nahalal si Sun Yet-sen bilang pansamantalang Pangulo ng Tsina
Ang rebolusyong ito ay pinamunuan ng mga bagong sibol na intelektuwal sa Tsina. Kahit sila ay nagmula sa mga tradisyonal na pamilyang Tsino, sila man ay naapektuhan ng sulong na ideya at kultura ng mga kanluraning bansa noong panahong iyon.
Ang isang halimbawa ay si Sun Yet-sen. Siya ay isinilang sa Guangzhou ng Tsina, pero siya ay nag-aral sa Hapon at Britanya at yumapak sa mga bansa ng Timog Silangan Asya at sa Estados Unidos para palaganapin ang ideya ng rebolusyon at makatipon ng puwesrang panlaban sa Qing Government.
Ang puwersa ng pamumuno ng rebolusyong ito ay ini-organisa sa paraan ng modernong partido o samahan at gumamit ito ng modernong media, na gaya ng pahayagan at radyo, para mapalaganap ang kanilang ideya at maakit ang magkakasamang pagsangkot ng ibang sirkulo ng lipunan. Ang ganitong paraan ay kauna-unahang ginamit sa kasaysayan ng Tsina.
At ang mga mahalagang bagay na dulot ng mga rebolusyonista na gaya ng ideya ng kalayaan, demokrasiya, at republika ay malawak na tinanggap ng buong lipunan at nakaapekto nang malalim sa Tsina.
Sa kasalukuyan, dito sa Tsina, ang ideya ng kalayaan, demokrasiya, republika, at pagkakapantay-pantay, ay malawak na tinatanggap sa buong bansa. Pero, ang pagpasok ng naturang mga ideya sa Tsina at malawak na pagkalat ay nagmula sa rebolusyong iyon. Kaugnay nito, Partido Komunista ng Tsina man o Kuomintang ng Taiwan, ay nagpapalagay na ang rebolusyong ito ay siyang naghawan ng landas ng Tsina patungo sa modernisasyon at ang rebolsuyong ito ay nagbago ng kapalaran ng Tsina at nakaapekto nang malaki sa takbo ng kasaysayan nito.
Back To Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |