Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-63 2011

(GMT+08:00) 2011-10-10 16:32:58       CRI

October 9, 2011 (Sunday)

Kumusta na? Okey lang ba kayo diyan? Siyempre, kung okey kayo diyan, okey din kami dito; at kung wala kayo diyan, wala din kami dito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, e.

Kung nakikinig si Mary Anne ng Riyadh, Saudi Arabia, gusto ko lang tugunin iyong sinasabi mong mahina ka sa tukso. Sino ba naman ang hindi? Siyempre, lahat tayong normal na tao ay mahina sa tukso; pero, naririyan ang tukso hindi para sunggaban, kundi para labanan. Sa totoo lang, mas madali mong magagawa ito dahil ikaw ay isang nurse, at hindi ka talagang malapit sa tukso na tulad ng isang waitress o hospitality girl o entertainer sa club. Ang pinakapraktikal na paraang magagawa mo ay iwasan mo hindi ang tukso, kundi ang matukso. Malayo pa ang tukso, tumakbo ka na. Huwag mong hahayaang dumating iyong okasyon na kung saan mabibilad ka sa tukso. Okey?

South Cathedral sa Xuanwumen, Beijing

Meron uling nagtatanong kung nagagampanan ko raw ang Sunday obligation ko dito sa Beijing. Ang sagot ko, tulad ng dati, oo naman. Tatlong malalaking simbahan ang puwedeng puntahan dito kung araw ng Linggo, pero ang regular kong binibisita ay iyong tinatawag nilang South Cathedral, na hindi kalayuan dito sa lugar namin. Ang schedule ng misa sa Ingles ay 10:30 sa umaga at 3:00 sa hapon. Ang misa ay kaparehong-kapareho ng misa natin diyan sa Pinas. Maraming kababayan ang nagpupunta rito para makinig ng misa kung Linggo, lalo na sa umaga.

Sa kanyang China impression, sinabi ng Amerikanang si Barbara McNeil na ang kanyang biyahe kamakailan sa Beijing at Dalian para sa negosyo ay talagang naging "eye opener."

Beijing

Dalian

Ang Beijing at Dalian aniya ay umasenso nang husto at patuloy pang sumusulong tungo sa pagiging isang malakas, maliksi at ambisyosong sentrong pinansiyal para sa Tsina. Ang mga tanawin aniya ay dominado ng matataas na office buildings at luxury apartments at ang mga mamamayan ay masasaya at nakaluluwag. Ang ebidensiya aniya ng lahat ng kaluwagang ito ay ang mga problema sa pollution at traffic. Pero, ang mga ito aniya ay parang hindi naman talagang lumalabas na talagang nakakapigil sa mga tao para gawin nila ang kanilang mga layon kahit na ang mga layon na ito ay may kinalaman sa indibiduwal o korporasyon.

Sa mga lunsod aniya sa Estados Unidos na gaya ng Chicago, San Francisco, Los Angeles at New York kung saan nararanasan din nila ang mga problema sa polusyon at trapiko, mayroon din aniya silang mga mamamayan na walang kapase-pasensiya. Pero sa Beijing aniya ang mga tao ay tila magagalang.

Sabi ni Barbara, sa Beijing, ang negosyo ay naisasagawa sa mga lugar na ang saklaw ay mula sa mga magagarang opisina hanggang sa mga upuan ng mga bisikleta na may mobile phone.

Si Barbara ay nagbalik sa Tsina sa ikalawang pagkakataon para itaguyod ang kanyang retail business.

Ngayon, tunghayan naman natin ang e-mail ni Naila Feria ng San Juan, Metro Manila.

Sabi ng liham: "Dear Filipino Service, I hope everything is fine with you. Thanks for remembering me. Napaka-thoughtful naman ninyo. Ang work ko tulad pa rin ng dati, underwriter pa rin. Busy rin ako sa pagpo-promote ng inyong mga program. Request niyo, di ba? Lagi kong pinakikinggan ang inyong News and Current Affairs kasi very informative ang mga ito. Nalalaman ko first-hand kung ano na ang nangyayari diyan sa China. Believe it or not, pero natuto akong magluto dahil sa programa ninyong Cooking Show at nagkaroon ako ng kaalaman hinggil sa kultura at mga bagay hinggil sa iba't ibang lugar ng China dahil sa inyong mga programang 'Kaalaman' at 'Paglalakbay.' Hindi ko na siguro kailangang banggitin dito na hindi ko pinaliligtas ang inyong weekend programs at ibilang mo na rin ako sa mga tagahanga ng programang 'Pag-usapan Natin.' Saan mang lugar ng Pilipinas ako mapadpad, ipino-promote ko ang inyong mga programa, kasi, para sa akin, it's worth it. Mabuhay, more power and God bless sa lahat!"

Thanks for your concern, Naila. Ingat ka sa pagbiyahe-biyahe mo, ha?

THE BELLS OF SHELL

(LIU XI JUN)

Narinig ninyo ang malamig na tinig ni Liu Xi Jun sa awiting "The Bells of Shell," na hango sa collective album na may pamagat na "Super Girls' Voice."

Sabi ni Kate Apacible ng Kaohsiung Hsien, Taiwan: "Ang asawa ko po, Kuya Ramon, ay very particular sa pagkain. Magmula noong ipatikim ko sa kanya ang mga putaheng natutuhan kong lutuin sa inyong Cooking Show, lalo na siyang naging malambing na malambing at sweet na sweet sa akin at walang tigil ng kapupuri. Laging sinasabi na mahusay daw akong magluto. Ito ay dapat kong ipagpasalamat sa inyong Cooking Show. I'm looking forward to more Chinese dishes in your program."

Salamat Kate. Ikaw din, sweet na sweet.

Kung nakikinig si Henry Umadhay ng San Jose, Antique, ipadala mo sa akin ang complete address mo para maipadala ko ang request mo. Ipadala mo rin ang mobile phone number mo dahil gusto rin kitang makausap sa phone. Okey?

AN ANGEL WILL LOVE YOU FOR ME

(LIN HAO WEI)

Bigyang-daan naman natin ang ilan sa mga SMS na natanggap namin nitong nagdaang ilang araw.

Sabi ni Bernie ng Paco, Manila: "Happy National Day (belated), Kuya Ramon! Please do take care. I follow your program regularly."

Sabi naman ni Vic ng Bacoor, Cavite, Pilipinas: "Maganda talakayan ninyo tuwing Friday. Pati kami natututong bumuo ng sarili naming opinion on various subjects."

Sabi naman ni Sarah Samudio ng AMA Computer College / Guadalupe, Makati City: "Belated National Day, Kuya Mhon. Isa ako sa masusugid na tagasubaybay ng programang Pag-usapan Natin."

Sabi naman ni Vivian ng Sta. Catalina College Manila: "Breaking the record ang Tiangong-1, Kuya Ramon. Hindi namin makakalimutan event na ito."

Sabi naman ni Ingrid ng Beijing International School: "Happy National Day from the bottom of our hearts. Thank you for keeping us updated on China."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>