Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Mga hamon para sa taga-probinsiya

(GMT+08:00) 2011-11-11 21:38:38       CRI

Noong katapusan ng taong 2010, lumisan ng Beijing ang mga batang taga-probinsya pauwi sa kanilang lupang tinubuan dahil sa napakataas na presyo ng bahay at patindi nang patinding presyur sa pamumuhay. Pero, sa kasalukuyan, mas pinili ng karamihan sa kanila na bumalik ng Beijing dahil hindi nakakatugon ang kanilang lupang tinubuan sa pangangailangan nila sa pamumuhay dahil sa kakulangan sa pag-unlad at pagbabago.

Ang ganitong tagpo ay nagaganap hindi lamang sa Beijing, kundi sa ibang mga malalaking lunsod na gaya ng Shanghai at Guangzhou. Masasabing dapat silang gumawa ng pagpili sa pagitan ng aktuwal na pamumuhay at ambisyon, pero unang una, mahirap silang pumasok sa mas mataas na antas sa lipunan at lumalaki din ang agwat sa pagitan ng lunsod at nayon, mga malalaking lunsod at maliit na lunsod.

Kumpara sa noong una ng pagsasagawa ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas, walang duda, malaki ang pagbabago at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. At gusto rin ng mga batang Tsino na pumunta sa mga malalaking lunsod para isakatuparan ang kanilang ambisyon, dahil maraming pagkakataon doon at mas maraming impormasyon kumpara sa mga nayon at maliit na lunsod.

Pero sa kabilang dako, kahit ang Tsina ay isang sosyalistang bansa na may pundasyon ng koalisyon ng mga magsasaka at manggagawa sa paghahari, dapat kilalanin na may pagkakaiba-iba ng uri at mas mahirap para sa isang taong umangat sa mas mataas na antas.

Sa kasalukuyan, ang karamihan sa mga talento sa iba't ibang sirkulo ng lipunan o mga tao sa class A ay galing sa mga karaniwang pamilya noong dati, pero ang mga bata ngayon na galing din sa karaniwang pamiliya ay mahirap na aabot sa parehong tagumpay sa kanila sa hinaharap, dahil sa kakulangan sa pagkakataon at sa lakas ng kompetisyon.

Halimbawa, noong dati, kaunti lamang ang college at university graduates at popular din sila sa lipunan, pero, ngayon, marami na sila; ibig sabihin, mas tumaas ang requirements sa kanilang kasanayan at lumakas din ang kompetisyon sa pagitan nila. Noong dati, ilan-ilan lamang ang nagnenegosyo, pero ngayon, sa alinmang industriya, makakakita ng malalaking kompanya na ari ng pamahalaan o may mahigpit na kaugnayan sa pamahalaan at ganundin ng mga pribadong bahay-kalakal; ibig-sabihin, kung papasok sa anumang industriya ang isang karaniwang indibiduwal, napakalakas ng kompetisyon at ilang tao lamang ang nagkakamit ng tagumpay.

Kaya masasabing kahit bumalik sila sa Beijing o sa alinmang malalaking lunsod, kakaharapin din nila ang hamon na katulad noong dati, pero, para sa pamahalaang Tsino, ito ay isa ring malaking hamon dahil kahit sila ngayon ay mga bata, pagdating ng araw, sila ay magsisilbing pangunahing puwersang tagapagpasulong ng bansa.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>