![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!
Ngayong Linggo, ipagdiriwang ang Pasko, ibig-sabihin, makapag-enjoy nang husto ang mga tao sa mga Christmas Party, Christmas Eve Dinners, at iba pang mga aktibidad bilang pagdiriwang sa iyong pinakamaringal na religious feast sa buong daigdig.
Kahit hindi isang Kristyanong bansa ang Tsina, popular pa rin ang Pasko, hindi lamang para sa mga dayuhan na nakatira at nagtratrabaho sa Tsina, kundi sa mga mamamayang Tsino, lalo na sa mga bata.
Ngunit ang mga dayuhan, medyo malungkot sila nitong Pasko dahil malayo sila sa kanilang pamilya. Pero nakaranas naman sila ng Pasko dito sa Tsina, dahil nakakakita sila ng mga simbolo ng Pasko, tulad ng Santa Claus, Christmas Tree, Christmas gift, at iba pa. Naramdaman din nila ang atmospera ng Pasko sa mga simbahan, restawran, shopping mall, lalo na sa mag kampus at purok na pinaroroonan ng mga Tsino lamang, dahil ipinagdiriwang din ng mga Tsino ang kapaskuhan.
Masarap na Christmas Tree na yari sa mga pagkain
Pero bagamat hindi nananampalataya sa Kristyanimo ang mga Tsino, ang Pasko ay isa na ring pagkakataon para sa isang malaking salu-salo. Bago ang taong 1978, nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, ang pasko ay ipinadiwang lamang ng mga Kristyanong Dayuhan at Tsino. Kasunod ng pagbubukas ng Tsina sa labas at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, ang Pasko ay tinatanggap ng mas maraming Tsino, pero hindi ito ginugunita upang ipagdiwang ang pagsilang ni Jesus o makapiling ang buong miyembro ng pamilya. Sa halip ang Mid-Autumn Day at Spring Festival ang ikasyon sa Tsina para makapiling ang buong pamiliya.
Sa katotohanan, mainit na tinatanggap ng mga batang Tsino ang Pasko, dahil malayang nakapageenjoy sila ng pestibal ayon sa sarili nilang hangarin na hindi pinaghihimasukan ng kanilang mga magulang at hindi kailangang alinsunod sa mga kaugalian at kilos sa tradisyonal na pestibal ng Tsina. Nagtitipun-tipon sila para magkuwentuhan, kumakin, magkaraoke at iba pa. Pero ang lahat ng mga aktibidad nila ay para mapalalim ang pagsasama at magpahinga, taliwas sa gawi ng mga Kristyano na ipinagdiriwang ang kapanganakan ng Poong Maykapal.
Anuman ang kaso, ang Pasko ngayon ay isang pinakaaabangan at malaking pestibal dito sa Tsina. Para sa mga dayuhan man o para sa mga Tsino, kapwang nakakapag-enjoy sila ng Pasko.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon muli at sana'y lagi kayong manatiling malusog at
masasaya at malusog ang iyong lahat tuwing araw!
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |