Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Krisis sa Syria, dapat lutasin sa mapayapang paraan

(GMT+08:00) 2012-02-13 14:53:47       CRI

Sa darating na Lunes, idaraos ang sesyong plenaryo ng pangkalahatang assemblea ng UN para talakayin ang ulat ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) hinggil sa kalagayan ng Syria.

Noong ika-10 ng buwang ito, naganap ang 2 bombing attacks sa Halab, ika-2 pinakamalaking lunsod sa Syria, na nauwi sa pagkasawi ng 28 katao at 235 nasugatan. Ang karamihan sa kanila ay mga sibilyan. Ayon sa pahayag ng Ministri ng Suliraning Panloob ng Syria, ang nasabing pag-aatake ay isinagawa diumano ng mga terorista na suportado ng mga dayuhang puwersa.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na hinding hindi pinahihintulutan ang anumang marahas na akyon at dapat agarang itigil ang sagupaan sa pagitan ng iba't ibang panig sa Syria. Inulit pa ni Ban na naniniwala siyang dapat lutasin ang krisis sa Syria sa mapayapa at pulitikal na paraan.

Simula nang naganap ang krisis sa Syria, mahigit 6000 ang nasawi sa mga marahas na insidente at pag-atake, na kinabibilangan hindi lamang ng mga oposisyonista, kundi ng mga sibilyan at kawal ng pamahalaan. Ito ay nagpapakita na sa isang dako, malubha na ang kalagayan sa Syria, sa kabilang dako naman, ang marahas na paraan ay nagdudulot ng mas malaking sagupaan at kasuwalti lamang sa halip ng kapayapaan at demokrasiya.

Sa kasalukuyan, nagpapalitan ng putok ang mga tropa ng pamahalaan ng Syria at grupong kontra-gobyerno sa Homs, punong himpilan ng mga oposisyon. Sa pagharap sa patuloy na lumalalang makataong krisis sa Syria, ang kasalukuyang pinakakailangang dapat gawin ay itigil ng dalawang panig ang sagupaan para mapigilan ang pagdaragdag ng mga kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian. Kung unilateral na pipilitin ang pagbagsak ng awtoridad ni Bashar al-Assad, ito ayg posibleng magdudulot ng malaking paghihiwalay sa pagitan ng mga tagasunod ng pamahalaan at oposisyonista.

Ayon sa isang pagsiyasat ng BBC, ang mga kahilingan ng oposisyonista ng Syria ay ukol sa mas malawak na demokrasya at kalayaan sa pulitika. Ibig-sabihin, ang kagustuhan ng mga mamamayan ng Syria na kinabibilangan ng mga oposisyonista ay kapayapaan sa halip ng digmaan.

Bilang isang middle income country, ang industriya ng agrikultura at turismo ay nasa mahalagang katayuan sa pambansang kabuhayan. Ayon sa estadistika, ang halaga ng industriya ng agrikultura ay katumbas ng 17.7% ng GDP noong 2009, at nagkaloob ng mga pagkakataon ng trabaho para sa 17% manggagawa sa buong bansa. At ang industriya ng turismo ay katumbas ng 10% ng GDP ng bansa noong 2004. Kaya masasabing kung patuloy na lalala ang krisis na ito, lubos na makakaapekto ito sa pamumuhay ng mga mamamayan ng Syria. At ito ay hindi kayang halinhinan ng mas maraming kalayaan sa pulitika.

Nauna rito, tumutol ang Rusya at Tsina sa panukalang resolusyon ng UN Security Council hinggil sa isyu ng Syria. Ayon sa nasabing panukalang resolusyon, itinakda ang mga unilateral na nakatugong hakbangin sa pamahalaan ng Syria lamang, at dapat agarang umalis si Bashar al-Assad sa kaniyang puwesto.

Sa katotohanan, hindi ito makakatulong sa paglutas sa krisis ng Syria sa mapayapaang paraan. Dahil walang nasasaad na papel ng oposisyonista, at sa kabilang dako, ito ang nagpapababa ng pagkakataon ng pagtanggap ng rehimen ni Bashar sa paraang pulitikal sa paglutas ng krisis na ito.

Kaugnay ng krisis na ito, maliwanag ang paninindigan ng Tsina. Kinikilala ng panig Tsino na dapat igarantiya ang mga lehitimong kahilingan ng mga mamamayan ng Syria sa reporma at dapat isakatuparan ng pamahalaan ng Syria ang pangako sa reporma. Kasabay nito, iginigiit pa ng pamahalaan ng Tsina na dapat lutasin ang kasalukuyang krisis sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.

Mula ika-6 hanggang ika-9 ng buwang ito, dumalaw sa Tsina ang delegasyon ng Syrian National Committee for Democratic Change na pinamumunuan ng mga oposisyonista ng Syria. Sa kanilang pagdalaw sa Tsina, inulit ng panig Tsino ang paninindigan nito sa isyung ito.

Tulad ng mga pangyayari sa Tunis, Ehipto at Libya, ang aksyong militar at pagbabago ng rehimen ay nagdulot ng hidwaan sa pagitan ng iba't ibang sektor ng lipunan at nauwi sa malaking kasuwalti, kapinsalaan sa ari-arian, sa halip ng tunay na kapayapaan, demokrasya at magagandang pamumuhay.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>