Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Tsina, dapat pataasin ang soft power

(GMT+08:00) 2012-04-04 20:51:22       CRI

Ano ang ibig-sabihin ng soft power? Ayon kay Joseph Nye, dalubhasa mula sa Harvard Kennedy School. Ito ang itinuturing na kakahayan ng isang bansa sa pagpapatupad ng sariling target sa pamamagitan ng paggamit ng pagkakaibigan, diplomasya, kultura, at iba pang di-marahas na paraan.

Bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig at bansang may malakas na puwersang militar, walang duda, ang Tsina ngayon ay napakahalaga, hindi lamang sa kabuhayan, kundi sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

Noong 2000, ang Tsina ay isang bansang mabilis na umuunlad, at may impluwensyang panrehiyon lamang. Kasunod ng labis na bilis ng pagtaas ng katayuan nito sa daigdig, kung papaano gagamitin ang sariling puwersa at impluwensiya sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig ay nagiging malaking hamon para sa Tsina.

Sa isang dako, dumarami nang dumarami ang mga bansang nakakaalam sa kultura, kabuhayan, lipunan, at iba pang mga bagay hinggil sa Tsina, at nagpapahalaga sa paninindigan ng Tsina sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig. Sa kabilang dako naman, dumarami rin ang mga pumupuna sa mga patakaran at hakbangin ng pamahalaang Tsino sa mga isyung pangkabuhayan at pampulitika sa loob at labas na bansa. Ang kahilingan sa pagsasakatuparan ng Tsina ng mas maraming responsibilidad sa daigdig, at ang pagkabahala sa lumalakas na puwersa ng Tsina ay patuloy ring sumusulong.

Si Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa Nuclear Security Summit

Mula ika-26 ng Marso hanggang ika-2 ng buwang ito, magkakahiwalay na dumalo si Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa ikalawang Nuclear Security Summit (NSS) sa Seoul, Timog Korea, ika-4 na BRICS Summit sa India, at isinagawa niya ang dalaw-pang-estado sa Cambodia.

BRICS Summit

Ang mga ginagawa at pananalita ni Pangulong Hu sa naturang mga aktibidad ay nakatawag ng malaking pansin ng mga media sa loob at labas ng bansa. Tulad ng nabanggit kanina, sa isang dako, ito ay nagpapakita na lumalakas ang impluwensiya ng Tsina; sa kabilang dako naman, ito ang pagsubok para sa Tsina sa paggamit ng sariling puwersa.

Nagtagpo sina Pangulong Hu Jintao ng Tsina at Manmohan Singh, Punong Ministro ng India

Halimbawa, sa isyung nuklear sa Korean Peninsula, isyu ng pagpigil sa pagpapalaganap ng sandatang nuclear, pagpapasulung ng kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at Rusya, pagpapabuti ng kalagayan ng mga negosyanteng Tsino sa Rusya, isyu ng Tibet, hidwaang panghangganan sa pagitan ng Tsina at India, at isyu ng South China Sea.

Si Pangulong Tsino (sa gitna ng litrado) sa bangketeng panalubong na inihandog ni Norodom Sihamoni (sa kanan ng litrado), King ng Cambodia. Sa kaliwa ng litrado ay si Hun Sen, Punong Ministro ng Cambodia

Kahit palagiang iginigiit ng bansang Tsina ang mapayapang pag-ahon at pagtatatag ng isang maharmonyang sistemang pandaigdig na hindi nakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, paggalang sa kabuuan ng teritoryo at soberanya nito, at mapayapang pakikipamuhayan, ang mas mahalaga ay ang pagpawi sa pagkabahala ng maraming bansa, at pagtatatag ng pagtitiwalaan.

Halimbawa, mainam at matatag ang relasyong pampulitika ng Tsina at Rusya, pero, ang kabuuang bolyum ng kalakalan ng dalawang bansa ay mas maliit sa kalakalang Sino-Amerikano, Sino-Hapones, Sino-Europeo, Sino-Koreano, at Sino-ASEAN. Bukod dito, madalas na tinatanggap ng mga negosyanteng Tsino ang di-pantay na pakikitunguhan mula sa mga Ruso at departamento ng Rusya.

Halimbawa, sa pagharap sa kahilingan ng mga Tibetano sa mas malaking awtonomo at mga puna sa mga patakaran at hakangin sa Tibet, papaano ipakikita at patutunayan ng pamahalaang Tsino na ang mga patakaran at hakbangin ay tunay na nakakatulong sa Tibet? Dalawang bagay ang maaring gawin para sa pamahalaang sentrl: maari nitong bukas na ipakita ang kalagayan ng Tibet sa labas at pabutihin ang mga hakbangin, o limitahan ang panayam ng media hinggil sa Tibet at mahigpit na pangasiwaan at kontrolin ang impormasyon sa isyung ito.

Sa isyu naman ng South China Sea, madaling nakikita na ang Tsina ay isang mas malaki at malakas na bansa, kumpara sa ibang mga bansa sa rehiyong ito, na gaya ng Biyetnam at Pilipinas. Para sa pamahalaang Tsino, ang hamon ay kung papaano mapapawi ang pagkabahala ng naturang mga bansa at patunayan ang katapatan sa paglutas ng mga hidwaan sa paraang mapayapa at pandiyalogo.

Ang mga hamong ito ay malulutas sa mga paraan, na gaya ng paggamit ng lakas-militar, at pagsasagawa ng impluwensiyang pangkabuhayan, pero, ang pinakamagandang paraan ay paggamit ng diplomasiya at pakikipagkaibigan sa mga may kinalamang panig sa mga paraang kultural, diplomatiko, at iba pang maharmonyang paraan.

Kaya kaugnay ng paninindigan ng pamahalaang Tsino na itatag ang isang maharmonyang daigdig, dapat pataasin ang kanyang sariling soft power.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>