Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-23 2012

(GMT+08:00) 2012-06-06 19:15:12       CRI

June 3, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Badminton, Simpleng Paraan ng Pag-e-ehersisyo

Medyo masakit pa ang katawan ko ngayon. Niyaya kasi akong maglaro ng badminton ng mga estudyante kong Koreano kagabi. Hindi ko alam kung bakit nakatuwaan ako ng mga batang ito, eh. Nalampaso lang tuloy ako. Ano ba naman ang laban mo doon sa mga bata, hehehe...

Hollywood actress Missi Pyle na nakasuot ng all-organic gown na ginawa ni Angelo Santos

Sabi ni Rolly ng Guadalupe, Makati City, mag-e-export na raw ng bigas ang Pilipinas sa 2013. Kinumpirma raw ito ni Secretary Proceso Alcala ng Department of Agriculture. Sinabi rin niya na isang Filipino couturier daw ang tatanggap ng U. S. Congressional Award dahil kasama siya sa mga lumikha ng kauna-unahang all-organic at eco-friendly gown na inirampa sa 2012 Oscar Awards noong February. Ang Filipino couturier ay si Angelo Santos. Hindi lang nabanggit kung kailan igagawad ang award.

Salamat sa magagandang balita, Rolly.

Gusto ko ring ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga nag-uukol ng panahon sa aming programang Pag-usapan Natin. Salamat, lalung-lalo na kina Dr. George at Jeffy Sumilhig.

Sabi ni Dr. George ng george_medina56@yahoo.com: "Ramon, napakinggan ko ang Pag-usapan Natin last Friday. Ang masasabi ko lang ay hindi dapat abusuhin ng mga dayuhan na namamalagi sa ibang bansa ang hospitality na ipinakikita sa kanila ng bansang kinaroroonan nila. Ang magandang pakita sa kanila ng host country ay hindi nangangahulugang puwede na nilang gawin ang gusto nila kahit ito ay ipinagbabawal. May karapatan ang alinmang bansa na magpataw ng parusa sa mga dayuhang lumalabag sa batas na umiiral sa bansang ito.

Sabi naman ni Jeffy ng Mandaue City, Cebu: "Ni hao, Kuya! About sa topic ninyo sa Pag-usapan Natin, I would like to give my comment. Foreigners who want to work or study in China should know all the laws of China. In this way, they will be able to enjoy their stay in China all the more."

Ipinababati rin ni Jeffy ang buong Sumilhig family, lalo na si Mama Salve, si Jasper, si Delper, si Junior at si Crispin, gayundin ang mga kasama niya sa CCR.

Kumusta kayong lahat diyan? Mabuhay kayo!

Salamat uli sa inyo, Dr. George at Jeffy.

Kumusta nga pala kay Manuela Bornhauser ng Gachnang, Switzerland. Okey ka lang ba riyan?

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

LET GO
(PANG LONG)

Narinig ninyo ang malamig na tinig ni Pang Long sa awiting "Let Go" na lifted sa album na pinamagatang "Two Butterflies."

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Mary Anne Campos ng Lunsod ng Kalookan. Sabi niya:

Hi, Kuya Ramon!

Binabati ko kayong lahat na mga Pilipino riyan sa Beijing. Kayo ay kabilang sa itinuturing na mga bagong bayaning Pilipino. Siguro, alam mo na naman na ang mga Pinoy abroad ay bahagi na ng gulugod ng ekonomiya ng pinas. Dito sa atin ngayon, may mga umaasenso pero marami pa rin namang minamalas, sabi nga. Hindi ko alam kung kailan pa tayo makakabangon.

Lubos akong nagpapasalamat sa tulong ninyo sa amin last year. Maayos na uli lagay namin pagkaraan ng malakas na bagyo. Diyos na lamang ang bahalang gumanti sa inyo. Pagpalain kayo ng Diyos.

Lagi akong nakikinig sa inyo gamit ang bigay ninyong transistor radio. Maganda lagi ang dating ng signal at talagang mahusay ang radio set. Nakaugalian ko na ang pakikinig sa inyong mga programa, lalo na sa inyong mga balita, tuwing 7:30 ng gabi. Sana, magpatuloy ang inyong tapat na paglilingkod sa amin. Sisikapin ko ring maglaan ng panahon para sa inyong website.

More power sa inyong Filipino Language Service.

Mary Anne Campos
Cefel's Park Subdivision
Lungsod ng Kalookan, M. M.
P H I L I P P I N E S

Maraming-maraming salamat sa e-mail, Mary Anne. Sana magpatuloy ka pa ng pagtutok sa aming mga programa. Natutuwa akong malaman na maayos na uli ang inyong kalagayan diyan pagkaraan ng bagyo.

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ.

IKAW PA RIN
(JED MADELA)

Mula sa collective album na pinamagatang "Hotsilog," iyan ang awiting "Ikaw Pa Rin" na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Jed Madela.

Punta naman tayo sa mga SMS.

Sabi ng 917 563 1184: "Maraming kaguluhan at kahirapan ngayon sa mundo, Kuya RJ, pero, sana, bless the beast and the children. Mga inosente sila."

Sabi naman ng 910 921 7733: "Hi, Kuya RJ! Ang mga programa ninyo ay informative and educational. Sana matutuhan ng lahat ng mga kababayan natin sa iba't ibang panig ng mundo ang pakikinig sa Filipino Language Service ng CRI."

Sabi naman ng 921 577 9195: "Sabay-sabay kaming nakikinig sa Gabi ng Musika dito sa lugar namin. Full na full ang support namin sa programa mo dahil napamahal ka na rin sa amin."

Sabi naman ng 928 001 4204: "Thanks for reading my messages ang playing my favorite Chinese songs. Mabuhay ang Gabi ng Musika!

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong

walang-sawang pakikinig. God bless...

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>