|
||||||||
|
||
Kamakailan, mukhang humuhupa na ang tension sa kalagayan sa South China Sea na dulot ng hidwaan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas sa Huangyan Island o Scarborough Shoal. Inilikas na ng dalawang bansa ang kanilang mga surveillance vessels at bapor sa katubigan ng Huangyan Island. Kapwa ipinahayag din nila ang hangarin na lutasin ang isyung ito sa maayos, mapayapa at diplomatikong paraan.
Isla sa South China Sea
Sapul nang naganap ang insidente ng Huangyan Island sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, naapektuhan ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan, negosyo at iba pa. Kinansela kamakailan ng grupo ni Yao Ming ang itinakdang biyahe ng Shanghai Sharks Basketball Team sa Pilipinas. Sa mga supermarket sa Beijing ngayon, bihirang nakikita ang mga Dole banana na mula sa Pilipinas.
Sa katotohanan, matapos ihayag ng Estados Unidos (E.U.) ang pagtutuon ng pansin sa Asya, ang isyu ng South China Sea ay unti-unting umiigting.
Isla sa South China Sea
Dahil dito, kinakaharap ng Tsina ang malaking hamon sa paglutas ng hidwaan nila ng ibang mga may kinalamang bansa hinggil sa isyung ito.
Unang una, ang isyung ito ay may kinalaman sa mga bansa sa loob at labas na rehiyong ito. Alam ng lahat na may mayayamang langis, natural gas at yaman ng pangingisda ang South China Sea, ang rehiyong ito ay mahalagang linya din ng paglalayag sa pagitan ng Gitnang Silangan at Silangang Asya.
Ibig-sabihin, ang mga yaman sa South China Sea ay napakahalaga para sa mga bansa sa paligid nito, lalo na para sa Biyetnam, Pilipinas, Indonesiya, at Malaysiya. Ang mahalagang katayuan nito sa paglalayag ay nakakaakit ng pansin ng ibang mga bansa na gaya ng Hapon at E.U.
Isla sa South China Sea
Tulad ng sinabi kamakailan ni Hillary Clinton, Kalihim ng Estado ng E.U., na naninindigan ang kanyang bansa na pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito at igarantiya ang kalayaan sa paglalayag at negosyo sa South China Sea.
Ikalawang naman, ang kompetisyon ng Tsina at E.U. sa rehiyong ito. Ang mga hidwaan ng Tsina at ibang bansa sa isyu ng South China Sea ay umiiral na nang ilampung taon, pero, ang isyung ito ay biglaang umigting pagkatapos ipatalastas ng E.U. ang patakaran sa pagbalik sa Asya.
Para sa Tsina at E.U., ang isang matatag at mapayapang Asya ay angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa. Pero ang problema ay sino sa dalawa ang gumaganap ng pangunahing papel sa mga suliraning panrehiyon? Para sa Tsina, kasunod ng mabilis na pag-unlad, gusto nitong makuha ang kasinlakas na impluwensiya sa katayuang pangkabuhayan sa rehiyong ito. Para sa E.U., ang rehiyong ito ay nasa mahalagang katayuan sa kanyang kapakapang pandaigdig. Kaya dapat pahigpitin ang impluwensiya nito sa rehiyong ito para maigarantiya ang kaligtasan ng kapakanan nito, hindi lamang sa rehiyong ito, kundi sa buong daigdig.
Isla sa South China Sea
Bukod dito, kasunod ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa rehiyong ito, sa isang dako, ang ganitong pamumuhunan ay nakakabuti sa kabuhayan ng Tsina at lokalidad; sa kabilang dako naman; lumitaw ang kompetisyon sa pagitan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at ibang mga dayuhang bahay-kalakal at mga local companies.
Kasunod ng pandaigdigang krisis na pinansiyal, ang nasabing magkasalungat na ideya ay nagpapahigpit ng hidwaan ng Tsina at mga may kinalamang bansa sa isyu ng South China Sea. Ito rin ay nagbubukas ng magandang pagkakataon para sa E.U. na palakasin ang saliring impluwensya sa rehiyong ito at mapigilan ang paglaki ng impluwensiya ng Tsina.
Kahit sa magkahiwalay na okasyon na gaya ng Shangri-La Dialogue, at pagdalaw ng mga mataas na opisyal sa Biyetnam at Pilipinas, ipinahayag ng panig Amerikano na umaasang pahihigpitin ang pag-uugnayan sa Tsina sa halip ng isagawa ang komprontasyon sa Tsina. Pero, ang mga aksyon nito sa pagpapalakas ng pagtulong militar sa mga bansa na may hidwaan sa Tsina sa South China Sea ay nagpapasulong ng buong tigas na nilang pagsasagawa ng probokasyon sa Tsina sa isyung ito.
Ang naturang mga dahilan ay mga kahirapan lamang sa labas ng Tsina sa isyu ng South China Sea. Ang mga isyung panlipunan ng Tsina ay mga kahirapang panloob sa paglutas ng isyung ito.
Unang una, mahahalal ang bagong liderato sa huling hati ng taong ito, kailangan ng Tsina ang matatag na kapaligiran sa loob at labas na bansa.
Noong unang dako ng taong ito, ang kaso ni Bo Xilai, dating kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Chongqing at isa sa 25 pinakamataas na opisyal sa loob ng partido ay nakatawag ng pagkabahala sa mga di-nagkakasundong posisyon sa loob ng CPC.
Bukod dito, ang mga isyung panlipunan na gaya ng paglaki ng agwat sa pagitan mga mayayaman at mahihirap, di-pantay na pagbabahaginan ng mga bunga ng pag-unlad ng lipunan, paraan ng pag-unlad ng kabuhayan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at kahilingan ng mga mamamayan sa kalayaan sa impormasyon ay nagdulot ng malaking hamon para sa kakahayan ng CPC sa pamumuno.
Kaya ang paghalal ng bagong liderato ng CPC ay nakapahalaga, hindi lamang para sa pamumuno ng CPC sa Tsina, kundi maging sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino sa loob ng darating na 10 taon.
Ikalawa, kulang ang Tsina sa kakayahang militar sa pangangalaga sa sariling kapakanan sa South China Sea. Kahit umuunlad ang puwersang militar ng Tsina nitong ilang taong nakalipas, pagharap sa malaking saklaw ng South China Sea, kailangan ng Tsina ang mga aircraft carriers at ibang mga pabor na nagpapadala ng mga tropa para mas mabisang mapangalagaan ang sariling kapakanan.
Pero ang katotohanan ay ang unang aircraft carrier ng Tsina ay nasa pagsubok lamang at malayo pa rin ang panahon hanggang sa pormal na paggamit sa tropang pandagat.
Ang unang aircraft carrier ng Tsina
Kaya habang magaganap ang mga hidwaan, ang nakatugong hakbangin ng Tsina lamang ay diplomatikong pagprotesta. Kasi ang mga hakbangin sa kakalakalan ay nakakapinsala sa kapakanan, hindi lamang sa mga bansang may hidwaan na tulad ng Pilipinas, kundi sa Tsina mismo, dahil ang normal na bilateral na kalakalan ay nakakabuti sa dalawang panig.
Sa katotohanan, hindi nagbabago ang posisyon ng pamahalaang Tsino na daanin sa mapayapa at maayos na paraan ang paglutas ng isyu ng South China Sea, pero di maitatangi na ang Tsina ay may mga kahirapan na pagdadaanan patungo sa landas ng nasabing target.
Ito rin ang isang malaking hamon para sa mga bagong liderato ng Tsina, dahil mayroong isang komong palagay ang buong Tsina na kung sino ang sumuko sa hidwaan sa hangganan sa ibang bansa, agarang mapapaalis siya sa puwesto, gaano man kataas ang kaniyang puwesto sa bansang Tsina. Ito ay karanasan ng bansang ito mula sa mahigit 100 taong semi-colonial na panahon sa kasaysayan mula 1840 hanggang 1949.
Back To Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |