Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-27 2012

(GMT+08:00) 2012-07-04 17:43:01       CRI

July 1, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Nelson Mandela

Nagtatanong si Leoni ng Orani, Bataan kung ano ang alam ko hinggil kay Nelson Mandela.

Well, Si Nelson Mandela ay isang batikang South African lawyer. Noong May 10, 1984, nahalal siya bilang kauna-unahang black president ng South Africa, matapos ang mahigit tatlong dekada ng pamumuno ng mga puti. Napanalunan niya at ng kanyang armadong kaalyadong African National Congress (ANC) ang 62 porsiyento ng mga boto sa halalan.

Si Mandela ay kilala bilang isa sa mga kumakalaban sa apartheid policy ng South Africa. Ikinulong siya sa loob ng 27 taon mula 1963 hanggang 1990 bago naluklok sa panguluhan noong 1994.

Bigyang-daan natin ang liham ni Karina ng Bicol Region. Sabi niya:

Dear Kuya Ramon,

Mabuhay!

Sana okay ang lagay ninyong lahat sa Serbisyo Filipino, at sana okay din ang mga kababayan natin diyan.

Pasensiya ka na, ngayon lang ako nakasulat uli. Lagi akong nagbabalak sumulat pero hindi ko masimu-simulan ang sulat ko.

Gusto kong ipaabot ang bati ko sa China dahil nagbalik na matagumpay ang Shenzhou 9. Tagumpay ang kanilang misyon at tagumpay ang China sa pagpapadala nito ng kauna-unahang babaeng astronaut sa kalawakan. Congratulations uli.

Binabati ko rin ang Serbisyo Filipino dahil hit ang karamihan sa mga programa nito. Dito lang sa amin ay maraming sumusubaybay sa Pag-usapan Natin, Diretsahan at mga Pinoy sa Tsina. Of course, ang Gabi ng Musika ay lagi nang nangunguna sa listahan namin.

Tama ang sabi ng CBCP. Dapat daw tayong magdasal araw-araw para malutas nang matahimik ang issue ng Huangyan Island. Hindi raw dapat magkaroon ng tensiyon sa rehiyong ito. Kasama ako sa mga nagdarasal para rito.

Binabati rin kita dahil ang program among Gabi ng Musika ay no. 1 sa puso ng mga tagapakinig. Sa totoo lang, mahal ka naming lahat.

Ito lang muna ang maisusulat ko sa ngayon, pero pipilitin kong sumulat uli and as often as I could.

Lots of love,

Karina Japlos
Sorsogon, Sorsogon
Bicol Region
Philippines

Maraming-maraming salamat sa e-mail mo, Karina. I'm looking forward to hearing from you again. Kumusta sa lahat ng mga iba pang tagapakinig diyan sa Sorsogon. God bless you.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

THE BELLS OF SHELL
(LIU XI JUN)

Iyan si Liu Xi Jun sa awiting "The Bells of Shell," na lifted sa collective album na pinamagatang "Super Girl's Voice."

Bigyang-daan natin ang dalawang maiikling e-mails.

Sabi ni Gertrude Lamangan ng Atimonan, Quezon:

Kuya Ramon,

Gusto kong ipaabot ang pagbati ko sa China sa matagumpay na pagpapadala nito ng Shenzhou 9 at ng babaeng astronaut sa outer space. Ito ay patunay na kasama na ang China sa iilang bansang matagumpay sa exploration sa outer space. Ang resulta ng kanilang pananaliksik sa kalawakan ay magagamit ng iba pang bansa sa kanilang pag-aaral sa larangan ng space science.

Kunming, Tsina

Sabi naman ni Esther ng Shunyi, Beijing, China:

Kuya Ramon, nakarating na ako ng Kunming at tahasang masasabi ko na qualified ito para maging most creative city ng China. Magkakasamang namumuhay sa Kunming ang ilang Chinese nationalities at ipinakikita nila in a most creative way ang pagdaraos nila ng kani-kaniyang festival. Makikita rin ang kanilang creativity sa kanilang mga kasuotan at paraan ng pagtanggap ng mga bisita. Hindi ba dapat isaalang-alang ang mga ito sa pagpili ng most creative city?

Maraming-maraming salamat, Gertrude at Esther, sa inyong mga e-mail. God bless you...

Ngayon, punta naman tayo sa bahaging pinakahihintay ninyong lahat--Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, super DJ!

DOO BIDOO
(KAMIKAZEE)

Kamikazee at ang sarili nilang version ng awiting "Doo Bidoo." Iyan ay hango sa collective album na may pamagat na "the Best of Apo Hiking Tribute."

Tunghayan naman natin ang ilang SMS.

Sabi ng 917 466 2270: "Masayang bati, Kuya Ramon. Congratulations sa matagumpay na misyon ng mga astronaut na Chinese. Saludung saludo ako sa kanila."

Sabi naman ng 919 333 4131: "Hi, there, Kuya Ramon! Gusto ko lang magpasalamat sa pagpapadala ninyo ng magandang QSL card at novelty items. Bukod sa Gabi ng Musika, pinakikinggan ko rin ang iba pa ninyong programa."

Sabi naman ng 928 442 0119: "Kumusta, Kuya Ramon? Binabati ko ang mga host ng programang Diretsahan, Movie Buddy, Pinoy sa Tsina, Kaalaman sa Tsina at Pop China. Mahuhusay silang lahat."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng programang Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart), 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>