Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-28 2012

(GMT+08:00) 2012-07-18 17:37:22       CRI

July 15, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Kung nakikinig si Rommel Fulgencio ng Kalibo, Aklan, nakarating na sa amin, finally, iyong mga sulat na matagal mo nang sinasabi sa amin. Naligaw ang mga ito kaya ngayon lang namin natanggap. We are very sorry. Anyway, ina-appreciate namin ang iyong malasakit sa amin at pagpapahalaga sa mga programa ng Serbisyo Filipino. Bihirang-bihira na kaming makatanggap ng snail mail, kaya tuwang-tuwa kami noong dumating ang mga sulat mo. Magaganda ang mensahe mo at maganda rin ang design ng isang card na ikaw rin ang gumawa. Many, many thanks and God bless you, Rommel.

Bigyang-daan natin ang mga liham nina Julie Lagman ng Sta. Mesa at Bernadette Cosme ng Lungsod ng Kalookan.

Sabi ni Julie:

Dear Kuya Ramon,

Kumusta na kayong lahat?

Maraming salamat sa padala mong bookmarks at stickers. Nakapaskil na sa harap ng study table ko.

Gawa sa Tsinang Uniporme ng mga Manlalarong Amerikano sa Olympics

Hindi ko alam kung bakit nila pinupuna iyong mga kasuotan ng American athletes na pupunta sa London Olympics. Eh, ano naman kung made in China ang mga damit nila? Iyun ang kursunada ng designer ng damit at sponsor ng mga manlalaro. Alalahanin nila na ang pondo ng mga manlalarong Amerikano ay nagmumula sa pribadong bulsa.

Ayon sa balita, 7 point something daw ang GDP ng China sa second quarter of this year. Nagkaganoon man, ang China pa rin ang pinakamalakas na economy sa Asia at isa sa mga nangunguna sa buong mundo. Sa tingin ko, papanhik din ito sa mga susunod na quarters.

Congratulations sa pagbabalik ng programang Cooking Show. Napakinggan ko last Sunday. Buhay na buhay ang voice ni Ate Andrea. Kumusta sa kanya.

Rolling Stones sa kanilang ika-50 anibersaryo

Sana magpatugtog ka ng kanta ng Rolling Stones sa Gabi ng Musika. Magse-celebrate daw ang grupo ng 50th anniversary nito.

Hanggang dito na lang muna Kuya Ramon, at salamat uli sa padala mo.

Julie Lagman
R. Magsaysay Boulevard
Sta. Mesa, Manila
Philippines

Salamat, Julie. Sulat ka uli, ha? Naihulog ko na iyong request mo last week. Pakihintay na lang. Kumusta sa lahat ng mga kasambahay mo, ha?

At magpapatuloy tayo...

Sabi naman ng sulat ni Bernadette:

Magandang Gabi ng Musika, Kuya Ramon.

Sa Pakikinig ko sa programang Gabi ng Musika, na-realize ko na talagang maraming personal problem ang ating mga kababayan at marami silang sama ng loob. Reflected lahat ang mga iyon sa kanilang mga mensahe. Pero, hindi lang naman puro problema ang laman ng mga mensahe ng inyong mga tagapakinig. Meron din namang masasayang experiences at magagandang quotations at meron din namang opinions hinggil sa iba't ibang issues. Nakakatuwa nga pag nagbibigay sila ng impressions nila sa China. Parang talagang nakarating na sila sa China. Siguro, iyon ay dahil lagi silang nakikinig sa inyong mga programa at doon nila ibinabase ang kanilang mga impression at opinion. Iyon ay patunay lamang na very effective ang inyong mga programa at nag-iiwan iyon ng malalim na marka sa isip ng mga tagapakinig.

Hinihiling ko lang, Kuya Ramon, na sana ay dagdagan ninyo ang inyong oras para sa mga snail mail, e-mail at SMS ng mga tagapakinig.

Kung ako naman ang iyong tatanungin, tahasang masasabi ko na regular akong nakikinig sa inyong radio transmission o webcast.

Kumusta sa lahat ng mga kaibigan diyan.

Maraming salamat sa pagbasa mo ng sulat na ito.

Mabuhay!

Bernadette Cosme
Cefel's Park Subdivision
Lungsod ng Kalookan, M. M.
Philippines

Thank you so much, Bernie. Kumusta iyong sinasabi mong project ninyo ng mga kasama mo? Balitaan mo ako, ha?

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

LOVE FOR A THOUSAND YEARS
(F. I. R.)

Iyan ang F. I. R. sa awiting "Love for a Thousand Years," na lifted sa album ng grupo na may pamagat na "Unlimited."

Sa ating Balitang Showbiz: International, "Jennifer Lopez, mas malakas nga ba ang dating kaysa kay Lady Gaga?

Jennifer Lopez

Sa taunang listahan ng leading personalities in showbiz ng Forbes Magazine, kinilala nito bilang most powerful celebrity sa buong mundo si Jennifer Lopez.

Dahil sa 52 milyong dolyares na kinita ni Jennifer noong 2011, bukod pa sa kanyang malakas na impluwensiya sa social media at high profile job bilang judge sa "American Idol," napatalsik niya si Lady Gaga, ang nangunguna sa listahan noong nakaraang taon.

Napunta naman sa ikalimang puwesto ngayong taon si Lady Gaga.

At para naman sa ating Balitang Showbiz: Philippines, bigyang-daan natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

SEPTEMBER
(XU WEI)

Xu Wei, sa awiting September, na buhat sa kanyang album na pinamagatang "That Year."

Punta naman tayo sa mga SMS.

Sabi ng 917 563 1184: "Parang unusual ata ang kinalabasan ng pagpupulong ng China at ASEAN sa Phnom Penh, Cambodia. Walang joint communique pagkatapos ng pulong, ah."

Sabi naman ng 910 921 7733: "Kuya Ramon, 19 raw ang namatay sa Japan dahil sa bagyo at sa States naman nakakaranas daw sila ng tagtuyot. Ano ba iyan?"

Sabi naman ng 921 577 9195: "Kuya Ramon, suportado ko ang inyong Pinakamalikhaing Lunsod ng Tsina" at umangat na ngayon ang choices kong Xian at Pu'Er. Lagi akong sumusubaybay sa special program ninyong ito."

Sabi naman ng 906 201 1704: "Hindi ako nawawalan ng pag-asa, Kuya Ramon. Alam kong sa malao't madali ay malulutas din ng Tsina at Pilipinas ang kanilang hidwaan sa Huangyan Island. Patuloy akong nagdarasal para rito."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>