Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-29 2012

(GMT+08:00) 2012-08-01 18:11:39       CRI

July 29, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Pagbubukas ng 2012 London Olympics

Tingnan muna natin kung ano ang sinasabi ng ilang tagapakinig hinggil sa pagbubukas ng 2012 London Olympics.

Sabi ni Don Don ng Navotas, Metro Manila: "Gusto ko ang opening ng 2012 London Olympic Games. Talagang British na British ang dating. Makulay na makulay at buhay na buhay. Hindi nasayang ang maraming taong paghihirap nila. Dapat itong ipagmalaki ng mga mamamayan ng Gran Britanya."

Sabi naman ni Manuela ng manuelakierrulf@ymail.com: "Engrande dating ng opening ceremony ng London Olympics. Obvious na obvious na maraming experts ang involved sa preparation nito. Very stunning mula sa costumes hanggang sa performances."

Sabi naman ni Caroline ng carolnene.edwards@gmail.com: "Very festive, interesting at exciting opening. Naroon ang Queen of England, First Lady ng Amerika, Duke and Duchess of Cambridge at mga notable celebrities. Hindi natin ito basta-basta makakalimutan."

Sabi naman ni Dr. George ng george_medina56@yahoo.com: "Hindi dapat ikumpara ang 2012 London Olympics sa opening ng 2008 Beijing Olympics. Sila ay may kani-kaniyang katangian at kagandahan. Kung paano natin pinapurihan ang Beijing Olympics, ganoon din naman ang ating pagpuri sa London Olympics."

Maraming-maraming salamat sa inyo...

Bigyang-daan natin ang liham ni Melissa Aragon ng Cavite. Sabi ng kanyang liham:

Dear Kuya Ramon,

Kumusta na ang Serbisyo Filipino ngayon?

Pasensiya ka na, ngayon lang uli ako nakasulat. Pero, pinakikinggan ko naman lagi ang mga programa niyo. Natutuwa nga ako dahil narinig ko uli ang Cooking Show.

SONA ni Pangulong Benigno Aquino III

Tapos na ang SONA ni Pnoy. Ano naman kaya ang susunod? Itong SONA na ito ang isa sa mga dahilan kaya kung anu-anong mga issue ang naglitawan noon, kasama na ang issue ng South China Sea. Let's wait and see. Marami pa ring doubts sa isip ko doon sa mga sinabi niya sa SONA.

Doon naman sa decision ng court na nagsasabing walang sapat na ebidensiya ang prosecution para sampahan ng kaso si dating-Pangulong Arroyo at pansamantala siyang pinalaya sa pagbibigay ng piyansa, dapat nating igalang ang decision. Hindi ba si Pangulong Aquino na rin ang may sabi na dapat daanin lahat sa legal procedure at dapat open?

Pinag-usapan ninyo iyong tungkol sa pagdadamit ng mga babae. Ang opinion ko lang ay hindi natin dapat husgahan ang sinuman dahil sa kanyang kasuotan. Dapat lagi tayong mag-isip ng mabuti sa ating kapuwa kahit ano pa ang hitsura niya, kahit siya ay parang manang na manang manamit o kahit modern na modern.

Maganda ang Cooking Show mo ngayon. Binibigyan mo pa rin ng chance ang mga tagapakinig na marinig ang paborito nilang Balitang Artista at kanilang mga mensahe.

Nakikinig ako sa inyong webcast tuwing gabi at kiniklik ko ang inyong mga columns. Maganda ang pagkakaayos ng inyong website.

Naku, marami pa sana akong gustong sabihin pero hindi ko lang maisulat, hahaha. Pangako, sa susunod na pagsulat ko, sasabihin ko ang mga naiisip ko.

Hanggang dito na lang muna, Kuya. Inuulit ko ang pangungumusta sa buong staff ng Filipino Service.

Melissa Aragon
Kawit, Cavite
Philippines

Salamat sa e-mail, Melissa. Matagal nga akong walang narinig sa iyo. Hindi ka kailangang mag-apologize. Alam ko namang bising-busy ka sa trabaho, eh. Ingat ka lang lagi.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

KEEP ON LOVING
(ANDY LAU)

Narining ninyo si Andy Lau sa awiting "Keep on Loving," na hango sa collective album na may pamagat na "You Can Listen and Sing with Us."

Tunghayan naman natin ang liham ni Cashmere Anne del Sol ng Baclaran. Ang liham na ito ay ipinadala bago ang pagsisimula ng London Olympics. Sabi ng kanyang liham:

Dear Kuya RJ,

I hope you are okay and everybody is okay.

Magsisimula na ang Olympics at gusto ko lang sanang sabihin sa iyo ang saloobin ko hinggil sa ating sports—Philippine sports.

Marestella Torres, Filipino long jumper

Sa pagkakaalam ko, anim o pito lamang ang ipapadalang manlalaro ng Pilipinas sa London Olympics. Noong 2008 Beijing Olympics, labinglima ang ipinadala natin. Sana naman pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang sports natin para hindi tayo magmukhang kawawa kung may athletic meet na tulad nito. Ang sa akin lang, dapat dagdagan nila ang pondo ng Philippines sports para makakuha ng foreign trainers na magsasanay ng

ating mga atleta para maging competitive sila at madagdagan ang silver medals na nakuha ng ating mga boksingero noong-noon pa.

Kahit maliit lang ang ating delegation, umaasa pa rin ako na makakapag-uwi tayo ng medalya kahit tanso at sana hindi umuwi nang maaga ang ating koponan.

Maraming salamat, Kuya, sa pagbibigay-daan mo sa sulat ko.

God bless.

Cashmere Anne del Sol
Baclaran, Pasay City, M. M.
Philippines

Thank you so much, Cashmere. Maganda ang mga sinabi mo at magkaparehong-magkapareho tayo ng palagay. Sulat ka uli, ha? Sana maging regular ang communication natin by mail.

Ngayon, alamin naman natin ang latest tsika mula sa ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ.

IKAW PA RIN
(JED MADELA)

Jed Madela, sa kanyang sariling version ng awiting "Ikaw Pa Rin," na hango sa collective album na pinamagatang "Hotsilog."

Tunghayan naman natin ang mga mensaheng SMS.

Sabi ng 919 564 9010: "Hi, Kuya RJ! Meron ba kayong coverage ng London Olympics? Ipaalam ninyo sa amin ang oras, ha?

Sabi naman ng 928 442 0119: "Good luck na lang sa lahat ng mga manlalarong Pilipino sa London Olympic Games. Bring home the bacon, guys!

Sabi naman ng 918 677 0370: "Alam ko na magiging maringal ang opening ceremony ng 2012 London Olympic Games, after seven years of preparation. Congratulations sa organizing committee."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>