Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-31 2012

(GMT+08:00) 2012-08-15 17:40:43       CRI

August 12, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Sa Alam ba Ninyo portion ng programa natin ngayong gabi, ibabahagi ko sa inyo ang karanasan ko sa isang village na nabisita ko noong ako ay magpunta sa isang lalawigan sa katimugan ng Tsina. Doon sa village na iyon ko narinig ang kasabihang "may pera sa bulaklak." At totoo naman.

Flower wholesale market ng Dounan Village

Marami na rin akong napuntahang village dito sa Tsina pero hindi ako nakaramdam ng labis na paghanga na tulad ng naramdaman ko sa isang village noong magpunta ako sa katimugan ng Tsina. Ang village na ito ay ang Dounan na matatagpuan sa Lunsod ng Kunming sa Lalawigan ng Yunnan. Ang Yunnan ay malapit sa border ng Tsina at Laos, Thailand at Myanmar.

Ngayon, bakit kaniyo ako humanga? Biruin niyo, dahil lamang sa bulaklak, tumaas ang antas ng pamumuhay ng mga residente ng village na ito, at ngayon, ang produksiyon ng bulaklak pa ang naging gulugod na industriya o "backbone industry" ng village.

Talagang sinamantala ng mga taga-village ang pagkakaroon nila ng magandang kapaligirang heograpikal, paborableng likas na kondisyon, matabang lupa at mahusay na pasilidad ng irigasyon para magpalago ng bulaklak hanggang sa ang bulaklak ay maging pangunahing industriya ng village. Ang dalawa pang bentahe ng Dounan ay ang taunang temperature nito na 15.1 degrees centigrade at ang taunang ulan na 86.9 mm. Ang mga ito ay ekselenteng kondisyon para sa produksiyong agrikultural.

Sa pamumuno ng Komite ng Partido at ng mga lider ng gobyerno, walang humpay na isinasaayos ng pamunuan ng Dounan ang industriya at istruktura ng mga produkto ng village. Sa masigasig na pagpapaunlad ng mga komersiyal na bulaklak, pati na ng gulay, nasaksihan ng village ang napakabilis na pag-unlad ng kabuhayan.

Mga barayti ng bulaklak na pinapakyaw sa pamilihan ng Dounan

Nang tanungin namin ang mga may kinalamang personahe, ang sabi, ang kanila raw tagumpay na ito ay resulta ng mga sumusunod na hakbangin: Una, sa pagpapalalim ng kanilang reporma at pagbubukas sa labas, nagsagawa sila ng mga positibong hakbangin para makapagbukas ng mga bagong pamilihan. Kaya ang kanilang mga bulaklak, at maging mga gulay, ay nakakarating na ngayon hindi lamang sa maraming mga lunsod ng bansa kundi maging sa mga bansa at rehiyon na tulad ng Hapon, South Korea, Thailand at Hong Kong. Patuloy pa rin ang kanilang pagbubukas kasabay ng kanilang pang-aakit sa mga mamumuhunang dayuhan.

Pangalawa, gamit na patnubay ang pangangailangan ng pamilihan, patuloy na isinasaayos nila ang istruktura ng mga barayti ng kanilang produkto. Noong una, ang tanging barayti lamang nila ay gladiola. Pinabilis nila ang pagsasaayos ng istruktura ng kanilang produkto para makahabol sa pangangailangan ng pamilihan. Sa kasalukuyan, nakapagpapapasok na sila sa village mula sa labas ng mahigit 30 species ng bulaklak na tulad ng carnation, baby's breath, forget-me-not, rose, lily, tulips at iba pa. Bilang resulta, naitatag nila ang istruktura ng produkto para matugunan ang pangangailanan ng pamilihang panloob. Ngayon, sa buong village, ang pataniman ng bulaklak ay umaabot na sa lawak na 2,000 hektarya na 89% ng bungkal na lupa ng village. Ang industriya ng pagpaparami ng bulaklak ay isa na ngayong gulugod na industriya ng Dounan Village.

Pangatlo, kasabay ng pagpapalakas ng produksiyon ng komoditi, buong lakas na lumilikha sila ng kondisyon para mapalawak pa ang pamilihan at nang mapataas ang sirkulasyon ng komoditi. Sa inisyal na puhunang 3.84 milyong yuan, itinatag nila ang pamilihan ng bulaklak na may sakop na 8,000 kilometro kuwadrado at naglalakip sa mga gawain ng produksiyon ng bulaklak, pagsusuplay at pagsasapamilihan. Sa timog-kanluran ng Tsina, ang pamilihan na ito ng bulaklak ay isa na ngayong pinakamalaking "flower wholesale center" na pinaunlad ng nag-iisang village. Bawat araw, 2,000-3,000 tao ang nagsasagawa ng transaksiyon ng kanilang negosyo sa pamilihang ito. Mahigit 30 species ng bulaklak ang ikinakalakal at 1.2 milyon hanggang 1.5 milyong piraso ng bulaklak ang naibebenta bawat araw. Ang bolyum ng pang-araw-araw na transaksiyon sa pamilihan ay umaabot sa 0.7 milyong rmb hanggang 1.2 milyon. Isang korporasyon din ang nakipagtatag ng kooperasyon sa Dounan at naglagay ng 80 milyong yuan na puhunan para magpatayo ng "industrial flower seedling and production center" na gumagamit ng high-tech biological technology at mga seedling na walang germs sa produksiyon. Ang lahat ng mga hakbanging ito ay naglatag ng solidong pundasyon para sa ibayong pagpapaunlad ng produksiyon ng bulaklak sa village.

Mga mamamakyaw sa wholesale market

Nakuha ng mga ipinoprodyus na bulaklak sa Dounan Village ang 80% ng bahagi ng pamilihan sa Kunming. Nakakuha rin ito ng bahagi ng pamilihan ng mga bansa at rehiyon na tulad ng Singapore, Hong Kong at Taiwan. Kung ang Kunming ay maitatatag na siyang pinakamalaking prodyuser ng bulaklak sa Tsina, siguradong ang Dounan ang magiging pinaka-importanteng sentro ng produksiyon ng bulaklak ng Kunming.

Ang mabilis na pag-unlad ng village ay nagresulta sa kapuna-punang pagganda ng antas ng pamumuhay ng mga residente nito at ang kabuhayan nito ay matatag na sumusulong sa paglipas ng bawat araw.

Gamit na batayan ang konstruksiyon ng pagpaparami ng bulaklak at ang pangangailangan ng pamilihan ng mga bulaklak, ang Dounan Village ay magsasagawa ng aktibong hakbangin para mapaunlad pa ang tertiary industries nito na tulad ng telekomunikasyon, transportasyon, packaging at turismo. Patuloy na palalawakin ng village ang saklaw ng negosyo nito at unti-unti nitong itatatag ang mga bagong grupo ng industriya nito. Sa pagkakatatag ng gayong karaming elementong paglago ng kabuhayan, maghahanda ito para sa pagkakaroon ng paborableng kondisyon para mapatibay at madebelop ang kolektibong kabuhayan at mapalaki ang kita ng mga magsasaka.

Kung titingnan ang potensiyal na pagsulong pa sa mga darating na araw, ang Dounan ay nangangailangan pa ng ibayong pagsisikap. Pero, sa mga natamo nitong tagumpay nitong mga nagdaang taon, at sa mga bago nitong pananaw, ang Dounan Village ay masayang magmamartsa tungo sa ibayo pang tagumpay habang isinisigaw na "may pera sa bulaklak!"

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

NIGHTTIME ROSE
(PANG LONG)

Narinig ninyo si Pang Long sa kanyang awiting "Nighttime Rose," na lifted sa album na may pamagat na "Two Butterflies."

Ngayon, alamin naman natin ang latest tsika sa Philippine movie mula sa ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ...

WHEN I MET YOU
(BARBIE)

Barbie, sa kanyang sariling version ng "When I Met You," na buhat sa collective album na pinamagatang "The Best of Apo Hiking Tribute."

Punta naman tayo sa mga mensaheng SMS.

Sabi ng 918 730 5080: "Hi, Kuya Ramon! Masayang pinakikinggan ko ang Gabi ng Musika at Cooking Show. Happy ako tuwing sasapit ang araw ng Linggo.!

Sabi naman ng 910 114 1167: "Kuya Ramon, mukhang malayo pa ang Pilipinas kung pagiging host ng Olympics ang pag-uusapan. Kailangan nito ng long-term plan!"

Sabi naman ng 917 483 2281: "Tama ka, Kuya Ramon. Dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno natin ang sports at dapat bigyan ng incentives ang mga prospective Olympians!"

Sabi naman ng 928 001 4204: "Matalo't manalo man ang mga atleta nating sumabak sa London Olympics, dapat natin silang papurihan!"

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito, o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 092 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>