Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-33 2012

(GMT+08:00) 2012-08-29 14:56:35       CRI

August 26, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Maraming-maraming salamat sa mga sumusunod sa kanilang patuloy na pagtataguyod sa mga programa ng Serbisyo Filipino: Vivienne Alejandro ng Polytechnic University of the Philippines; Tess Tombocon ng Sta. Mesa, Manila; Sarah Samudio ng AMA Computer Center Guadalupe; Techie Villareal ng West Coast Way, Singapore; Marivic Lim ng Bajac-Bajac, Olongapo City; Myrna Calayco ng Kowloon, Hong Kong; May Lesaca ng San Juan, Metro Manila; Blanca Cabral ng R. R. Landon Extension, Cebu City; Stephanie Lim ng C. M. Recto, Sta.. Cruz, Manila; at Claire Santos ng Pulong Bulo, Angeles City, Pampanga.

Ehersisyo, mabuti sa katawan ng tao

Sabi ng mga eksperto, ugaliin daw natin ang pag-e-ehersisyo para manatiling malakas at malusog ang ating pangangatawan at humaba ang ating buhay. One third daw ng adult population ng mundo ay physically inactive, at limang milyong tao ang namamatay taun-taon dahil sa "couch potato lifestyle."

Ayon sa mga ekspertong ito, ang katawan daw ng tao ay nangangailangan ng ehersisyo upang makatulong sa maayos na paggana ng mga buto, kalamnan, puso at iba pang mga organ.

Huwag daw tayong matakot na maglakad, tumakbo at magbisikleta at iwasan natin ang paggugugol ng maraming oras sa sasakyan at sa harapan ng computer.

Bigyang-daan natin ang liham ni Cecile Ducot ng Makati City. Sabi ng kanyang sulat:

Dear Kuya Ramon,

Greetings!

Iyong pinag-usapan ninyong kasal na inabutan ng ulan at baha ay naging usap-usapan dito sa Pinas, pero hindi ko ini-expect na matatawag niyon ang pansin ng mga web surfers diyan sa China. Ako man ang ikakasal ay hindi ko iuurong ang kasal ko umaraw man o bumagyo. Minsan lang iyon sa tanang buhay ko kaya kahit lumusong ako sa tubig-baha o mabasa ng tubig-ulan tuloy pa rin ang kasal. Hindi natin masabi, baka iyon ay blessing in disguise. Natutuwa akong malaman na kahit ganitong bagay ay pinagtutuunan ninyo ng pansin diyan sa China.

Salamat sa lahat ng mga kaibigan at kababayan diyan sa China na nagpadala ng mensahe ng pakikiramay para sa mga biktima ng baha at landslide dito sa atin. Maski hanggang ngayon, makikita pa ang pinsalang dulot ng naturang pagbaha. Salamat din sa lahat ng Hollywood stars na nakiramay sa pamamagitan ng tweeter. Ang babait naman nila.

Natapos naman ng maayos ang London Olympics. Siyempre, may ilang konting problema pero ang mga iyon ay wala namang epekto sa overall result ng palaro, kaya huwag na sanang gawing sensation ng media.

Matapos na sana ang issue ng South China Sea para magbalik sa normal ang relation natin sa China at pati na mga negosyo natin. Pati ata relation natin sa ASEAN hindi rin maganda ngayon.

Mabasa mo sana ito, Kuya, on the air.

Kumusta na lang sa lahat ng kaibigan.

Cecile Ducot
Bangkal, Makati City, Metro Manila
Philippines

Salamat sa e-mail, Cecile, at gayundin sa iyong support sa Serbisyo Filipino. Sulat ka uli, ha? Hihintayin ko ang mga susunod mong sulat. God bless you.

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

LOVE AS TIDEWATER
(JACKY CHEUNG)

Iyan si Jacky Cheung, isa sa mga paborito kong mang-aawit na Tsino, sa kanyang awiting "Love as Tidewater," na lifted sa album na pinamagatang "Are You Falling in Love?"

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Sarah Yambao ng Beijing, China. Sabi niya:

Dear Kuya Ramon,

Umuwing empty-handed ang mga manlalaro nating sumali sa London Olympics. Padating na ang Paralympic Games. Ano naman kaya ang kalalabasan natin? Panahon na talaga para isama ng gobyerno sa top priority nito ang sports. Lagi na lang tayong napapahiya.

Lama Temple

Big Bell Temple

Matagal na rin ako dito sa Beijing at ang dalawang lugar na maipagmamalaki ko at mairerekomenda sa mga turista ay ang Lama Temple at Big Bell Temple. Maaring sabihin nila na never-heard ang mga lugar na ito, pero ang masasabi ko naman, ang mga ito ay ideal para sa cultural visit.

Dati, sa radio ko lang pinakikinggan ang inyong mga programa. Pero, dahil sa mayroon na rin naman kayong webcast, doon na ako nakikinig kasabay ng pagbabasa ko ng inyong blogs at articles.

Malaki ang paniwala ko na ang Tsina pa rin ang pinaka-safe na lugar sa buong mundo, kaya nga hindi na ako nagbalik umalis dito kahit na may pagkakataon akong pumunta sa ibang lugar na tulad ng Middle East.

Sana hindi ka magsawa ng pagsagot sa mga e-mail ko at sana rin manatili kang malusog at malayo sa anumang karamdaman.

Please extend my warm greetings to all your colleagues.

Best Regards,

Sarah Yambao
Fangyuan, Chaoyang District
Beijing, China

Salamat sa e-mail, Sarah. Napuntahan ko na iyang Big Bell Temple at Lama Temple. Talagang inirerekomenda ko rin ang mga iyan sa lahat ng gustong pumunta rito sa Beijing. Thank you uli and God bless.

Ngayon, pumunta naman tayo sa ating Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ…

PUMAPATAK NA NAMAN ANG ULAN
(PAROKYA NI EDGAR)

Mula sa album na may pamagat na "The Best of Apo Hiking Tribute," iyan ang awiting "Pumapatak Na Naman ang Ulan," na inihatid sa ating masayang pakikinig ng Parokya ni Edgar.

Tunghayan naman natin ang mga SMS.

Sabi ni Carla ng Pasig City, Metro Manila: "Sana naman, matuto tayong tumawag sa Panginoon may kalamidad man o wala. Naaalala lang natin siya kung tayo ay nasa gipit na kalagayan, eh."

Sabi naman ni Leah ng Malabon City, Metro Manila: "Tama sila. Ang Cooking Show ng Serbisyo Filipino ay programang pampasigla, pampalakas at pampalusog. Tayo na sa kusina ni Kuya Ramon."

Sabi naman ni Jane ng Riyadh, Saudi Arabia: "Lahat ng mga niluluto ninyong Chinese food naluluto namin dito sa Riyadh, basta huwag lang gagamit ng karne ng baboy."

Sabi naman ni Merry Jeanne ng Carmona, Cavite: "Gustung-gusto ko iyong mga lutuing Tsino na may tofu. Natuto na akong gumamit ng tofu maski sa mga niluluto kong Filipino food. Nakakapagpagana ang lasa't amoy ng tofu."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>