Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Iphone, kailangan ba ng mga estudyante?

(GMT+08:00) 2012-09-09 19:34:40       CRI

Kamakailan, isang balita sa website ang naging usap-usapan ng mga netizen dito sa Tsina. Ayon sa naturang balita, sinabi umano ng isang bagong pasok sa kolehiyong estudyante sa kanyang nanay na kung hindi siya ibibili ng nanay niya ng iphone 4s, ipad at mac book, mapapahiya siya sa harap ng kanyang mga kaklase.

Sabi ni "Jiu JIu Yi She", isang netizen sa Weibo, o Chinese Twitter, na ang pera ay hindi kusang pumapasok sa bulsa ng nanay niya at dapat pahalagahan niya ang trabaho ng kanyang ina.

Sabi naman ni "Wang Li", isa pang netizen sa Weibo, na dapat ituro ng mga magulang sa kanilang mga anak ang tamang ideya sa pamumuhay.

Sabi naman ni Qing Feng Xia, na sa pamantasan, kung wala kayong mga bagay na mayroon ang ibang mga estudyante, mararamdaman mo na ikaw ay parang isolated.

Ayon sa isang public opinion poll sa website hinggil sa kaugnayan ng mga produkto ng Apple at estudyante sa pamantasan, sa lahat ng 31458 kalahok, ipinalalagay ng 77.27% na kalahok na hindi mahalaga ang mga produkto ng Apple para sa mga estudyante sa pamantasan. Ipinalalagay naman ng 2.3% lamang na kung walang mga produkto ng Apple, mapapahiya ang estudyante sa harap ng kaniyang mga kaklase.

Bakit lumitaw ang ganitong balita sa mga pamantasan? Ito ay may kinalaman sa pagbabago ng ideya ng mga estudyante sa konsumo

Lumalakas ang hangarin at kakayahan ng mga estudyante sa konsumo

Nagsimula na ang bagong semester ng mga pamantasan at kolehyo sa Tsina ngayong Setyempre. Para sa mga bagong pasok na estudyante sa kolehiyo at pamantasan, nagsimula na rin ang pagbili nila ng mga kagamitan para sa kanilang bagong pamumuhay sa pamantasan.

Bukod sa mga pang-araw-araw na kagamitan, ang mobile phone, laptop, camera, ang mga mamahaling damit at mga gamit sa pagpapaganda ay popular din sa kanila. Dahil dito, kapag nagsimula ang bagong semester, isinasagawa ng mga tindahan ang iba't ibang aktibidad para magpromote ng kanilang mga paninda. Para sa mga magulang dapat nilang pahalagahan, sa isang dako, ang pamumuhay ng kanilang mga anak sa pamantasan, dahil ngayon dito sa Tsina, walang kakayahan ang mga estudyante na tustusan ang karamihan ng mga gastos nila sa pamantasan. Sa kabilang dako, gusto ng mga magulang na sundin ang gusto ng kanilang mga anak para magsikap ang mga ito sa kanilang pag-aaral.

Pero, ang problema ay kahit may kakayahan ang mga karaniwang pamilya para bilhin ang naturang mga gamit, malaki pa rin ang preyur sa kanilang gastusin kung bibilhin nila ang lahat na mga bagay na gusto ng kanilang mga anak.

Comparison psychology ng mga estudyante

Bakit ang babae sa nabanggit na balita ay dapat bumili ng mga produkto ng Apple? Bukod sa mga papel ng naturang mga produkto para sa kanyang pag-aaral at pamumuhay, ang kaniyang comparison psychology ay isa ring mahalagang dahilan.

Sa tingin ko, maayos talaga ang Iphone 4s, Ipad at mac book at maganda ang disenyo nito. Dahil naman sa mabisang paraan ng pagpapalaganap, nagiging popular ang mga ito sa Tsina, kahit mahal talaga ang presyo.

Pero hindi naman masasabing ang mga produkto ng Apple ay di-mahahalinhan. Sa Tsina, mas mahal ang mga produkto ng Apple kung ihahambing sa ibang mga parehong uri ng produkto na gaya ng Nokia at Lenovo. Kung hindi kayang bumili ng apple, puwede namang bumili ng ibang produkto na may katulad ding pungsiyon.

Para sa mga estudyante, madali silang maakit ng anunsiyo ng mga produkto at madaling maapektuhan ng pagpili ng ibang mga kaklase sa paligid nila. Halimbawa, hindi naman siguro talagang kailangan ng isang estudyante ang Ipad, pero kung bibili nito ang kanyang kaklase o maganda ang disenyo nito, gusto rin nilang bumili ng ganito.

Labis na pag-asikaso ng mga magulang

Dahil sa umiiral na isang anak lamang sa isang pamilya o one child policy sa Tsina, ang anak ay nabibigyan ng labis-labis na atensiyon ng kaniyang mga magulang at ang mga magulang niya ng mga magulang nito. Ibig-sabihin, anuman ang pangangailangan ng isang anak, buong sikap na tinutugunan ito ng kaniyang pamilya. Dahil dito, mahirap na maunawaan ng mga bata ang kahalagahan ng tabaho.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>