Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-40 2012

(GMT+08:00) 2012-10-26 18:10:33       CRI

October 21, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Mayroon tayong requested song ngayong gabi. Pero, bago iyan, kung nakikinig si Perley Jimenez ng Denmark, Cecile Sambio ng Saudi Arabia at Sol Flores ng Batangas, mayroon akong mensahe para sa inyo.

Sa iyo Perley, natanggap ko na ang reception report pero di ko pa lang nasasagot. Salamat sa report mo na naririnig ninyo nang malakas ang signal namin diyan sa lugar ninyo at sa prositive remarks mo sa mga programa namin. Salamat uli.

Sa iyo naman, Cecile, nakita na namin iyong nakababata mong kapatid na babae na sabi mo ay nagtatrabaho dito sa Beijing pero hindi mo makontak. Ibinigay na namin sa kanya ang e-mail address mo at hintayin mo na lang ang sulat niya.

At sa iyo naman, Sol, iyong paper-cuts bookplate na request mo ay out of stock, kaya padadalhan ka muna namin ng ibang novelty item hanggang sa maging available itong bookplate. Please bear with us…

Okey, narito ngayon ang ating requested song, "Young at Heart" ni Barry Manilow.

YOUNG AT HEART
(BARRY MANILOW)

Narinig ninyo ang magandang tinig ni Barry Manilow sa awiting "Young at Heart," na lifted sa kaniyang "Greatest Hits" album.

Ang awiting iyan ay request ni Armina Bondoc ng Malaybalay, Bukidnon.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Mayroon ditong short note si Delia Musni ng Bustillos, Sampaloc, Manila. Sabi ng kaniyang mensahe:

Dear Kuya Ramon,

Bird's Nest sa Beijing, China

Isa ako sa mga nangangarap na makapunta ng China, at kung makakarating ako ng Beijing, ang gusto kong puntahan ay ang Bird's Nest na ginamit noong 2008 Olympics. I am just wondering kung paano ito nabuo sa imagination ng arkitekto. Enjoy na enjoy ako pag nagpi-feature kayo ng mga magandang lugar sa China at lalong nadadagdagan ang hangarin ko na makapunta diyan sa inyo. Sana ipagpatuloy ninyo ang inyong mga travelogues. I will always listen to these programs.

Salamat, Delia, and welcome to Beijing. Kontakin mo lang kami pag nakarating ka na ng China, ha?

Dumako naman tayo sa ating balitang musika.

John Travolta at Olivia Newton John, magsasama sa "This Christmas" album.

John Travolta at Olivia-Newton John

Muling magsasama ang magkabituin sa pelikulang "Grease" na sina John Travolta at Olivia Newton-John sa recording ng album na may pamagat na "This Christmas." Tampok din sa naturang proyekto sina Barbra Streisand, Tony Bennett, James Taylor at Kenny G bilang mga panauhin.

Sabi ni John, gusto raw niya na patugtugin ng mga tao ang album na ito sa kanilang mga bahay at sasakyan sa panahon ng Christmas holiday at gawin silang dalawa ni Olivia na bahagi ng kanilang celebration.

Ang kikitain ng album ay mapupunta sa Olivia Newton-John Cancer ang Welfare Center at sa Jett Travolta Foundation. Ang nabanggit na foundation ay itinatag noong pumanaw ang autistic na anak ni John para magbigay-tulong sa mga batang may iba't ibang kapansanan.

HOME IN THE NORTHEAST
(Pang Long)

Iyan naman si Pang Long sa kaniyang awiting "Home in the North-East, na lifted sa album na pinamagatang "Two Butterflies."

Punta naman tayo sa text messages.

Sabi ng 0086 134 261 27880: "Kuya RJ, malakas kayo sa mga tagapakinig ninyo kasi maganda rapport ninyo sa kanila. Stay as warm and as sweet as you are sa inyong listeners and they will never forsake you."

Sabi naman ng 917 960 6218: "Maski mga jokes ninyo sa Tawa Na portion ng Gabi ng Musika ay for general consumption. Gabi ng Musika is a real wholesome family program."

Sabi naman ng 920 950 2716: "No worries, Kuya RJ! We all care for you and we all love you! Mahal namin ang iyong style at iyong voice. You deserve the nickname Loving DJ."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless…

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>