![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ang mga tungkulin ng pirmihang kagawad ng politburo ng CPC
Sa unang sesyong plenaryo ng ika-18 Komite Sentral ng CPC, naging bagong Pangkalahatang Kalihim si Xi Jinping ng CPC at Tagapangulo ng Central Military Commission ng CPC. Si Wang Qishan naman ay naging Kalihim ng Commission for Discipline Inspection.
Ayon sa konstitusyon ng CPC, pantay ang katayuan ng mga pirmihang kagawad, pero dahil sa mas mahaba ang karanansan nina Xi Jinping at Li Keqiang sa standing committee, mas malaki ang impluwensiya nila kaysa 5 iba pang pirmihang kagawad.
Ang mga pirmihang kagawad ng politburo ng CPC ay palagiang nanunungkulan bilang mga puno ng bansa, pamahalaan at ibang organo na gaya ng Pangulo ng bansa, Premyer ng Konseho ng Estado, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC, Tagapangulo ng Chinese People's Political Consultative Conference o CPPCC. Ang naturang mga tungkulin ay maitatalaga sa pamamagitan ng paghalal sa bagong sesyong plenaro ng NPC at CPPCC na idaraos sa Marso, taong 2013.
Mga katangian ng mga pirmihang kagawad ng politburo
7 Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Ika-18 Komite Sentral ng CPC (mula kaliwa hanggang kanan sina Zhang Gaoli, Liu Yunshan, Zhang Dejiang, Xi Jinping, Li Keqiang, Yu Zhengsheng, at Wang Qishan)
Kumpara sa nagdaang pagbabago ng liderato ng CPC noong 2002, mas mataas ang karaniwang edad ng 7 pirmihang kagawad ng politburo ng Ika-18 Komite Sentral ng CPC. Ang kanilang karaniwang edad ay umabot sa 63.4 taon na tumaas ng 1.3 taon kumpara sa karaniwang edad ng 9 na pirmihang kagawad ng politburo ng Ika-16 na Komite Sentral noong 2002.
Sa katotohanan, liban kina Xi at Li, ang edad ng ibang 5 pirmihang kagawad ay mas mataas sa karaniwang edad. Noong 2002, 4 na pirmihang kagawad lamang ang mataas ang edad.
Bago sila maging pirmihang kagawad ng politburo, ang 7 pirmihang kagawad ng politburo ng Ika-18 Komite Sentral ng CPC ay nagtatrabaho nang mahabang panahon sa iba't ibang industriya at mga probinsya.
Halimbawa si Xi ay nagtrabaho minsan sa Probisyang Hebei, Fujian at Zhejiang mula 1982 hanggang 2007. At nanungkulan siya bilang opsiyal sa iba't ibang antas ng pamahalaan at CPC.
Sina Yu Zhengsheng, Wang Qishan at Zhang Gaoli ay magkakahiwalay na nagtrabaho minsan sa mga pabrika, bangko at kompanya na ari ng estado. Si Zhang Dejiang ay nagtrabaho minsan sa Yanbian University sa Probinsyang Jilin. Si Liu Yushan ay isang mamamahayag sa sangay ng Xinhua News Agency sa Inner Mongolia mula 1975 hanggang 1982.
Ang isa pang komong katangian nila ay noong estudyante pa sila, sila ay nag-aaral, nagtrabaho at namuhay sa mga mahihirap na nayon ng Tsina nang ilang taon.
Masasabing ang 7 pirmihang kagawad ng politburo ay nagkakaroon ng mayayamang karanasan sa trabaho at pagtugon sa mga mahihirap na insidente, malalim na nalalaman nila ang mga tunay na pamumuhay ng mga karaniwang mamamayang Tsino at ang pagbabago ng Tsina pagkaraan ng pagsasagawa ng reporma at pagbubukas sa labas noong 1978.
Sa katotohanan, ang pinakamalaking katangian na pinapansin sa loob at labas na bansa ay sabayang natapos ni Hu ang termino ng pangkalakatang kalihim ng CPC, sabayang umalis din siya ng puwesto sa Central Commission Military ng CPC. Ibig-sabihin, siya ay mawawalan ng lahat ng kanyang mga tungkulin sa taong 2013. At si Xi Jinping ay magiging tunay na lider ng CPC at bansang Tsina. Ito ang kauna-unahang kompleto at mapayapang pagpapalit ng kataas-taasang kapangyarihan mula dating liderato ng CPC sa bagong liderato ng CPC sapul nang itatag ang People's Republic of China noong 1949.
Mga Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Ika-17 at Ika-18 Komite Sentral ng CPC
Mga isyu para sa CPC at Tsina sa susunod na 10 taon
Ayon sa mga naka-ugalian pero hindi naman tadhana sa konstitusyon ng CPC, sina Xi at Li ay magiging nukleo ng liderato ng CPC at Tsina sa loob ng darating na 10 taon.
Batay sa kasalukuyang sistemang pulitikal, ang mga patakaran at hakbangin ng CPC ay isinasagawa naman ng pamahalaan at ibang mga organo ng Tsina na tulad ng NPC at CPPCC. Kaya ang mga bagong patakaran ng bagong liderato ng CPC ay nakakaapekto ng pag-unlad ng bansa sa hinaharap.
Masasabing ang Tsina ay pumasok na sa bagong panahon nang pamumuno ng bagong liderato ng CPC. Kasabay ng pagiging ika-2 pinakamalaking ekonomya sa daigdig at paglaki ng impluwensya sa mga usaping panrehiyon at pandaigdig, lumilitaw ang problema sa lipunan, kabuhayan, kapaligiran at moralidad ng mga tao sa Tsina.
Para sa Tsina, ang estruktura ng pag-unlad ng kabuhayan at sistema ng seguridad na panglipunan ay dalawang pangunahing isyu na may kinalaman sa pangmatagalang pag-unlad ng kabuhayan, katatagan ng lipunan at reaksyon ng mga mamamayan sa mga gawain ng CPC.
Para sa CPC, ang mga isyu tulad ng paglaban sa korupsyon, pagsusuperbisa at paglilimita sa kapangyarihan ng mga opisyal at pagiging demokratiko ng estruktura nito ay may mahigpit na kaugnayan sa sariling pag-unlad at kakayahan ng pagmamahala.
Ang mga nabanggit na isyu ay magiging pangunahing hamon at gawain para sa bagong liderato ng CPC. Ang mga ito ay nagmula sa pagbabago ng estrukturang panlipunan ng Tsina at mga dating ideya at patakaran na naging tampok dahil sa mabilis na pag-unlad ng kabuhayan. At ang resulta ng paglutas sa mga ito ay may kinalaman sa kinabukasan ng CPC at Tsina.
Back To Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |