Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-43 2012

(GMT+08:00) 2012-11-26 15:47:09       CRI

November 18, 2012 (Suday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh...

Dating Pangulong Jimmy Carter ng USA

"America did not invent human rights. In a very real sense, human rights invent America." --Jimmy Carter, former President, the United States of America

Ang quotation na iyan ay padala ni Angel Manalo ng Globo de Oro, Quiapo, Manila. Salamat sa iyo, Angel.

Bigyang-daan natin ang ilang piling mensahe.

Sabi ng 910 921 7733: "Kumusta ka na, Kuya Ramon? Wala ka bang dinaramdam? Anong wala? Imposible! Dala mo ang bigat ng mga problema naming, ah!"

Sabi naman ng 921 577 9195: "Pag tinatanong kita lagin kang okay. Kahit nagkakandapaus-paos ka na, okay ka pa rin. Kelan ka hindi okay? Aaaah, pag sinabi kong tapos na ako ng pakikinig sa iyo!"

Sabi naman ng 918 730 5080: "Lahat ng mga tao naghahanap ng tunay na kaibigan--iyong mabait, concern, sweet at thoughtful. Ako? Nung makita kita nauwi lang sa wala--wala nang hihilingin pa. Da bes ka talaga!"

Maraming-maraming salamat sa inyo. Da bes kayo talaga...

NEVER DREAMED YOU'D LEAVE IN SUMMER
(JOAN BAEZ)

Narinig ninyo si Joan Baez sa awiting "Never Dreamed You'd Leave in Summer." Ang track na iyan ay lifted sa album na pinamagatang "Diamonds and Rust."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Sabi ni Roselle Lim ng West Coast Way, Singapore:

Hi, Kuya Ramon!

Sa tingin ko, bukod sa Partido Komunista ng Tsina, ang tagumpay ng China ay mai-a-attribute din sa cooperative spirit, patriotism, unity at pagiging enterprising ng mga mamamayang Tsino. Sa tingin ko, ang mga ito ang higit na naghatid sa China sa kasalukuyang kalagayan nito.

Sinusundan ko sa website ang meeting ng Chinese Communist Party since opening at, sa totoo lang, marami akong narinig na mga bagong information. Salamat sa inyong mga balita at special programs."

Salamat sa e-mail, Roselle. Magkapareho tayo ng palagay, ha? Talagang taglay ng mga Chinese ang nabanggit mong mga katangian, at dapat nga siguro tayong pumulot ng aral sa kanilang mga karanasan. Salamat uli and God bless you.

Ngayon, punta naman tayo sa ating Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

KEEP ON LOVING
(ANDY LAU)

Andy Lau, sa awiting "Keep on Loving," na hango sa album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."

Tunghayan naman natin ang mga mensahe ng ilang textmates.

Partido Komunista ng Tsina, Maraming Lihim na Tagahanga

Sabi ni Stephani Lim ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "Kuya Ramon, may isang bagay akong napuna sa Partido Komunista ng Tsina at ito ay ang pagiging popular nito sa masa. Pinaglilingkuran nang tapat ng partidong ito ang mga mamamayang nagluklok dito."

Sabi naman ni Manny Feria ng San Juan, Cabangan, Zambales: "Maraming lihim na tagahanga ang Partido Komunista ng Tsina at isa ako sa mga tagahangang ito, kaya lagi kong sinusundan ang mga pagpupulong nito."

Sabi naman ni Lara Carpio ng Shunyi, Beijing, China: "Salamat sa Partido Komunista ng Tsina, tumaas ang international status ng China. Sana magpatuloy ang CPC sa paglilingkod sa higit na nakararaming masang Tsino."

Sabi naman ni Sarah Samudio ng AMA Computer Center: "Vague na vague ang idea ko ng Chinese Communist Party. Salamat sa inyong mga espesyal na programa. Bina bati ko ang CPC sa pagdaraos nito ng mahalagang meeting."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 092 257 2397.

Itong muli sa Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God Bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>