Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-47 2012

(GMT+08:00) 2013-01-11 17:59:09       CRI

December 30, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Manigong Bagong Taon sa inyong lahat! Handa na ba ang ating pang-Media Noche? Iwas sa paputok, ha?

Ang Bagong Taon ay araw ng pasasalamat. Salamat sa lahat ng mga regular na nakikinig o kung hindi man ay regular na nagpapadala ng SMS, e-mails at snail mail. Gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, walang katapusan ang pasasalamat ko sa inyo. Sana maging mapagpala ang inyong 2013.

May request si Roselyn ng Kamuning, Quezon City. Sabi niya kung puwede raw patugtugin ko iyong kantang "Pasko Na Sinta Ko" ni Gary V. Walang problema. Patutugtugin ko iyan pagkaraan ng mga piling mensahe.

Sabi ng 919 302 3333: "Kuya, kasama ka sa aming evening prayers. Have a good night sleep. Huwag kang masyadong magpapagod."

Sabi naman ng 918 730 5080: "Minsan ang love ay parang ibon. Kailangang pakawalan. Kailangang palayain. Babalik iyon kung sa iyo. Pero kung hindi, hayaan mo na. Baka mas masaya siya sa piling ng iba."

Sabi naman ng 917 401 3194: "They say it is easier to forgive and harder to forget; but I say there is no forgiving without forgetting."

Maraming-maraming salamat at manigong Bagong Taon sa inyong lahat.

PASKO NA SINTA KO
(GARY VALENCIANO)

Narinig ninyo si Gary Valenciano sa kanyang awiting "Pasko Na Sinta Ko." Ang track na iyan ay lifted sa album na may pamagat na "From Garry, Merry Christmas."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Yllana Cosme ng R. R. Landon Extension, Cebu City. Sabi ng kanyang sulat:

Dear Kuya RJ,

May you have a real prosperous New Year! You deserve it.

Ipinaaabot ko rin ang pagbati ko sa lahat ng miyembro ng Serbisyo Filipino. Magagaling silang lahat at alam kong nagsisikap sila para mabigyan kami ng kasiyahan.

Huwag mo lang pababayaan ang iyong sarili at kami rin na iyong mga tagapakinig.

Please keep the line of communication between us open—on and off the air.

God bless.

Yllana Cosme
R. R. Landon Extension
Cebu City, Cebu
Philippines

Maraming salamat, Yllana, at manigong Bagong Taon din sa iyo. Sana hindi ka magsawa ng pagsulat sa amin. Kumusta sa lahat ng mga kaibigan diyan sa Cebu City, ha?

Ngayon, dumako naman tayo sa ating Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

KUMUKUTIKUTITAP
(RYAN CAYABYAB)

Iyan naman si Ryan Cayabyab sa kanyang pamaskong awiting "Kumukutikutitap," na hango sa kanyang Mga Awiting Pamasko" album.

Tunghayan naman natin ang ilang text messages.

Sabi ng 915 807 5559: "Hi, Kuya RJ! Anong balita riyan? Nasa Beijing ka ba o nasa Manila? Wala kang balak umuwi?"

Sabi naman ng 917 401 3194: "Manigong Bagong Taon, Kuya Ramon! Sana okey Christmas ninyo at sana mapuspos ng biyaya ang inyong 2013."

Sabi naman ng 919 302 3333: "Happy and prosperous New Year sa paborito naming radio station in town at sa paborito naming DJ. May you have more DJ-ing to come!"

Sabi naman ng 917 960 6218: "Masaganang Bagong Taon sa CRI Filipino Service. Sana humaba pa serbisyo ninyo sa masang Pilipino."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn.; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. Manigong Bagong Taon and God bless...

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>