![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Isang magandang pagsisimula ang paniniwala ang mga mamamayang Tsino na magiging masaya, masuwerte at malusog ang pamumuhay ng mga tao at pag-unlad ng bansa sa bagong taon. Pero para sa bagong liderato ng CPC at Tsina, kakaharapin nila ang mga hamon sa loob at labas na bansa sa taong 2013.
Nasadlak pa rin sa deadlock ang sovereign debt crisis ng mga kasaping bansa ng Unyong Europeo (EU) at hirap pa rin ibangon ang kabuhayan ng Amerika. Ito ay nagdulot ng malaking presyur sa pagluluwas ng mga produktong Tsino. Bukod dito, ang pamumuhunan at kalakalan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa naturang rehiyon ay kinakaharap ng mga kahirapan at alitan. Kahit may malaking nagkakaisang kapakanan ang Tsina, EU at Amerika, paunang gawain pa rin ng anumang pamahalaan ang pangangalaga sa kapakanan at karapatan ng mga domestikong bahay-kalakal, lalo na sa kalagayan ng resesyon ng kabuhayan.
Walang duda, malaki talaga ang pamilihang Tsino at nakakaakit ito sa mga bahay-kalakal ng buong daigdig. Pero kumpara sa EU at Amerika, mas maliit ang kakayahan at bolyum ng pangangailangang panloob ng Tsina, lalo na sa komsuno ng mga mamamayan.
Kahit madalas na lumitaw sa mga dayuhang media ang tagpo ng pamimili ng mga Tsino ng lahat ng mga namamahaling brand sa ibayong dagat. Totoo ang pagyaman ng mga mamamayang Tsino, pero hindi lahat ng mga Tsino ay kayang bilhin ang mga namamahaling paninda.
Sa isang dako, mas mura ang namamahaling brand sa ibang bansa kaysa sa loog ng Tsina. Kaya ang malaking agwat sa presyo ay magandang pagkakataong para kumita ang mga indibiduwal na nagbebenta ng mga namamahaling brand sa Tsina.
Sa isang dako naman, ang pamimili ng mangilan-ngilang napakayamang Tsino ay ginagamit bilang representasyon sa mga karaniwang Tsino. Para sa naturang typcoon na Tsino, walang anumang domestikong mamahaling brand ang nakatugon sa kanilang katayuan at hangarin, liban sa pagkain, sigarilyo, alak at pabahay.
Para sa mga karaniwang Tsino, ang pabahay, social insurance, edukasyon, at hanap-buhay ay pangunahing dahilan na may kinalaman sa kanilang aksyon ng konsumo. Ang gastusin sa pabahay, kalusugan at edukasyon ay katumbas ng karamihan ng kanilang pagkita. Ibig-sabihin, may kakulangan ang kakayahan nila sa konsumo bukod sa naturang sagilang gastusin.
Hindi mahirap ang gawain para sa pamahalaang Tsino na doblehin ang karaniwang kita ng bawat mamamayang Tsino sa taong 2020, kung mapapanatili ang 7% ng paglaki ng kabuhayan bawat taon. Pero, bukod sa epekto ng pandaigdigang krisis na pinansiyal, ang relasyon ng Tsina sa ibang bansa, lalo na sa mga karatig na bansa ay nakakaapekto naman sa pagsasakaturapan ng pamahalaang Tsino ng nasabing target.
Noong unang dekada ng ika-21 siglo, kahit kinaharap ng buong daigdig ang banta ng terorismo, ang relasyon ng Tsina at Amerika ay naging malapit, nanatiling matatag ang relasyong Sino-Hapones, at umunlad nang malaki ng relasyon ng Tsina at ASEAN.
Kasunod ng paghupa ng banta ng terorismo sa buong daigdig at pagbalik ng Amerika sa Asya, nagiging malakas ang kumpetisyon ng Tsina at Amerika, hindi lamang sa kabuhayan, kundi maging sa mga isyung panrehiyon, pulitika at militar.
Bukod sa di-nagkakaisang sistemang pulitikal, kultura at kapakanan sa mga rehiyon na gaya ng ASEAN, Aprika at Korean Peninsula, ang pagkabahala ng Amerika sa pagbabago sa umiiral na kayariang pandaigdig na dulot ng mabilis na pag-unlad ng Tsina ay nagpapalalim ng di-paniniwala sa pagitan ng dalawang bansa. Sa kabilang dako naman, dapat pagtuunan ng Tsina ang mga pandaigdigang prinspyo at tanggapin ang mga nagkakaibang posisyon at hamon.
Ang isyu ng teritoryo at soberanya ay pinakamahalaga para sa anumang bansa. Ito naman ay humantong sa hamon sa relasyong Sino-Hapones at relasyon sa pagitan ng Tsina at ilang kasaping bansa ng ASEAN.
Kaugnay ng relasyon ng Tsina at Hapon noong unang dekada ng ika-21 siglo, malamig ang relasyong pulitikal ng dalawang bansa dahil sa mga isyu may kinalaman sa anti-Japanese War noong panahon ng World War II, madalas at mainit pa rin ang pagpapalagayan ng dalawang panig sa kultura, at kabuhayan. Pero ang ganitong pagpapalagayan sa kultura at kabuhayan ay naapektuhan naman sa hidwaan ng dalawang bansa sa isyu ng Diaoyu Island ng East China Sea.
Katulad dito, ang hidwaang panghangganan ng Tsina sa mga bansang ASEAN sa South China Sea ay nakaapekto din sa relasyon ng dalawang panig. Kumpara sa relasyong Sino-Hapones, magkakaibigan ang Tsina at mga bansang ASEAN nang mahabang panahon.
Halimbawa noong panahon ng rebolusyon paglaban sa Dyanstiyang Qing, tinulungan minsan ng Pilipinas si Sun Yet-sen, Pambansang Bayani na kapwa kinilala ng CPC at Kuomintang ng Taiwan. Ang isang heneral ng CPC na si Ye Fei o Sixto Mercado Tiongco ay isang Tsinoy na isinilang sa Quezon Province noong 1914. Sa kasalukuyan, popular naman sa Tsina ang mga bandang Pinoy, mga pagkain na gaya ng Oishi, Dole na banana at mga guro sa wikang Ingles.
Ibig-sabihin, sa paggigiit ng paninindigan ng pangangalaga sa teritoryo at soberanya, dapat isaalang-alang ng Tsina at mga bansang ASEAN na may pinaghihidwaan sa hangganan ang pangangalaga sa umiiral na relasyon at pagpapalagayan sa kabuhayan, kultura at kasaysayan.
Para sa mga bagong liderato ng Tsina, napili sila dahil sa mahuhusay na kakayahan sa pamamahala at pag-uugnayan. Pero kinakaharap din nila ang mga hamon sa loob at labas na bansa. Tulad ng kasabihan na "well begun is half done", kung maayos na hahawakan nila ang naturang mga hamon sa pagsisimula ng unang termino ng pamamahala, magiging maganda ang landas ng pag-unlad ng Tsina sa taong 2013.
Back To Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |