Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-2 2013

(GMT+08:00) 2013-01-23 14:49:00       CRI

January 13, 2013 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Ang pag-ibig ay parang paru-paro: Kung hahawakan mo ito nang buong higpit, maari itong mamatay; pero kung hahawakan mo naman ito nang kulang sa higpit maari itong makalipad.

Salamat kay Vicky Santos ng Carlos Palanca, Quiapo, Manila.

Bigyang-daan natin ang ilang piling mensahe.

Sabi ng 928 442 0119: "Heto na naman ang grupo ng M/V Aldavaran, bumabati at sumasaludo sa lahat ng mga ginoo at binibini ng Serbisyo Filipino. Sana maghatid ng magandang suwerte ang 2013 sa inyo."

Sabi naman ng 921 577 9195: "Maganda ang programa ng China sa pangangalaga sa kapaligiran. Sana tularan natin ito para mapakinabangan natin nang lubos ang ating likas na yaman."

Sabi naman ng 921 257 6634: "Ramoncito, anong nangyayari sa iyo? Hanggang dito sa Tate umaabot kakornihan mo! Para kang si Kuya Eddie na nagbabasa ng liham ng pag-ibig. Ang pagkakaiba niyo lang ay mayroon kang SMS ng pag-ibig. Mula noong makilala kita, korni ka na. Hanggang ngayon, korni ka pa rin. Pero huwag ka, nakikinig pa rin sayo, yoyoyo..."

Maraming-maraming salamat sa inyo. God bless.

WONDER IN MADRID
(JOLIN TSAI)

Narinig ninyo si Jolin Tsai sa kanyang awiting "Wonder in Madrid," na lifted sa album na pinamagatang "the Dancing Diva."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Odette Galinos ng Hin Seng Garden, West Coast Way, Singapore. Sabi ng kanyang sulat:

Beijing, Shanghai, Macau, Tibet and Xinjiang

Dear Kuya Ramon,

Isa ako sa masusugid na tagapakinig ng Serbisyo Filipino. Sana, ngayong taon, maipagpatuloy ninyo ang gawain ninyong pagpapasaya sa mga tagapakinig sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga nakalilibang na programa lalo na kung weekend. Naging habit na ang pakikinig ko sa Serbisyo Filipino kaya mahirap na itong mabali. Hangga't naririyan kayo, naririto rin kami. Bukod sa Beijing, Shanghai at Macau, pangarap ko ring marating ang Tibet at Xinjiang.

Odette Galinos
Hin Seng Garden, West Coast Way
Singapore.

Salamat sa suporta at malasakit, Odette. Sana nga makarating ka rito sa China para makapagtsika-tsika naman tayo. Welcome na welcome ka dito sa aming himpilan. God bless you, Odette.

Ngayon, alamin naman natin ang latest tsika mula sa ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ...

SA TABI NG BUTTERFILY SPRING
(HUANG YALI)

Huang Yali at ang awiting "Sa Tabi ng Butterfly Spring," na hango sa album na pinamagatang "Bata."

Tunghayan naman natin ang ilang text messages.

Sabi ng 917 466 2270: "Hi Kuya RJ! Sabi nila, ang kasalukuyang taon ay Year of the Water Snake. Ano bang influence mayroon ang ahas na ito sa world economy?"

Sabi naman ng 910 921 7733: "Sa opinion ko, ang CRI Filipino Service ay hindi lang bridge of friendship between China and the world, but bridge over troubled and untroubled waters din between CRI and its listeners."

Sabi naman ng 928 001 4204: "Tama ang sabi mo, Kuya Ramon. Dapat tayong magpakahinahon sa lahat ng oras. May magagawa o masasabi tayong pagsisisihan natin kung masyado tayong impulsive."

Sabi naman ng 915 807 5559: "A happy and prosperous 2013, Kuya RJ! Looking forward to hearing from you more often as before."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>