Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-4 2013

(GMT+08:00) 2013-02-08 14:25:55       CRI

January 27, 2013 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp. Buksan natin ang ating munting palatuntunan sa isang espesyal na awitin--Xin Nian Kuaile...

XIN NIAN KUAILA
(HENGLI DAWANG)

Narinig ninyo si Hengli Dawang sa kaniyang orihinal na awiting Xin Nian Kuwaile.

Si Hengli ay isang songwriter-composer at free-style rapper. Labindalawang taon na siyang sumusulat ng kanta.

Maraming salamat at good luck, Hengli

Bigyang-daan natin ang ilang piling mensahe.

Sabi ng 921 378 1478: "Serbisyo Filipino, laging numero uno sa puso't damdamin ng mga Pilipino."

Chicken with Peanuts and Chili, Isa sa mga Tampok na Chinese Recipes sa Cooking Show

Sabi naman ng 910 6118423: "Kuyang, masasarap ang mga Chinese recipe ng iyong Cooking Show. Hindi lang ako ang nagsasabi."

Sabi naman ng 919 611 0982: "Cooking Show at Gabi ng Musika, mga tsampiyon sa himpapawid. Sana lumaganap pa. Kuya Ramon, sana mabasbasan ka pa…"

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Den Den Mejia ng Pulong Bulo, Angeles City, Pampanga.

Sabi ng kanyang sulat:

Dear Kuya Ramon,

As early as today, gusto kong iparating sa inyong lahat diyan sa Serbisyo Filipino ang bati kong pang-Spring Festival 2013. Sana maging enjoyable at maalwan ang inyong celebration at sana magkaroon kayo ng holiday break para ma-enjoy ninyo ang Chinese New Year to the fullest.

Nagustuhan ko iyong mga topic na "No Pants Day," at "Illegal Foster Mother" sa inyong programang Pag-usapan Natin. Maganda ang inyong discussion and I enjoyed it very much. Umasa kayo na lagi kong susubaybayan ang programang ito.

Kumusta sa lahat ng mga producer ninyo.

Best regards.

Den Den Mejia
Pulong Bulo
Angeles City, Pampanga
Philippines

PUSONG SUGATAN
(SAMMI CHENG)

Sammi Cheng at ang awiting "Pusong Gusagatan," na hango sa album na pinamagatang "Shocking Pink."

Punta naman tayo sa mga mensaheng SMS.

The Power of Prayer

Sabi ng 917 500 6641: "Masyadong complicated situation ngayon sa mundo, pero kung sama-sama tayong magdarasal mababago natin ang kalagayang ito. Tama ka, Kuya Ramon. Ang dasal ay mas powerful pa sa sa pinaka-powerful na leader sa mundo."

Sabi naman ng 928 610 1358: "Bakit kaya kakalas ang Britain sa EU at bakit kailangang palitan si Hillary bilang State Department secretay ng U. S.? Malalim, ah, Kuya Ramon."

Fireworks Display, Magpapaliwanag sa Beijing sa Chinese New Year

Sabi naman ng 919 426 0570: "Ilang araw na lang, Chinese New Year na. Dito sa atin, holiday iyan. Legal ba ang paputok diyan sa China? Dito sa atin illegal pero marami pa ring nagpapaputok at maraming nasasaktan taun-taon. Ewan ko ba."

Sabi naman ng 910 291 2776: "Hindi ko alam kung makakatulong sa regional stability ang pagdulog ni Secretary del Rosario sa UNCLOS. What do you think, Kuya Ramon?

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 091 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>