Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Taon ng Ahas ng Tsina

(GMT+08:00) 2013-02-18 14:22:52       CRI

Pagkatapos ng Spring Festival Day sa lunar calendar ng Tsina, magsisimula ang bagong taon ayon sa tradisyonal na kultura at ideyang Tsino. Ang taong ito ay taon ng ahas batay sa 12 Chinese Zodiac o Shengxiao.

Ang Chinese Zodiac o Shengxiao ay isang sistematiko at tradisyonal na paraan ng pang-calendar na may isang hayop na kumakatawan sa bawat taon. 12 taon ang isang cycle. Ang taon ng ahas ay ika-7, at kasunod ng sa taon ng dragon. Sa kasalukuyan, ang ganitong paraan ng pang-calendar ay ginagamit pa rin sa Tsina, Hapon, Korea at Biyetnam.

Dito sa Tsina, ang ahas ay may dalawang uri ng kahulugan. Sa isang dako, ito ay kumakatawan sa mga masamang bagay na tulad ahas na tumukso kay Adam at Eva sa Holy Bible. Sa ibang dako, ito ay may katayuan sa kulturang Tsino noong sinaunang panahon.

Tulad ng alam ng lahat, ang Long o dragon ay kumakatawan sa Nasyong Tsino. Pero ito ay isang hayop na lumilitaw lamang sa mga alamat ng Tsina. Ang katawan ng dragon ay pareho sa ahas o masasabing ginagamit ng mga sinaunang Tsino ang katawan ng ahas bilang katawan ng dragon.

Sa katotohanan, noong sinaunang panahon, ang ahas ay ginagamit bilang kauna-unahang totem sa Tsina. Halimbawa, sina Fu Xi at Nv Wa ang itinuturing na lumikha ng sangkatauhan at batay sa alamat ng Tsina, sila ay dalawang diyos na pawang may mukhang tao, pero ang katawan nila ay ahas

.Sa litrado ay sina Fu Xi at Nv Wa

Ito ay dahilan kung bakit napili ang ahas bilang isa sa 12 Chinese Zodiac. Bukod dito, ang ahas ay may kasintaas na katayuan sa dragon at kumakatawan sa mga emperador at mga kilalang tao. Batay sa mga alamat ng Tsina, kung lilitaw ang ahas sa panaginip ng isang tao, ibig-sabihin, siya o ang kanyang anak ay posibleng magiging emperador ng bansa. Pero kung makikita ng mga emperador ang malaking ahas, ito ay nagpapahiwatig ng pagbagsak ng kanyang rehimen sa hinaharap.

Sa kulturang Tsino, mailalarawan ang mga katangian ng isang tao batay sa kanyang Zodiac Sign. Halimbawa, ang ahas ay matalino, nakakaakit, at maingat. Bukod dito, kumakatawan din ito sa mga masamang katangian na gaya ng pagkaginid, pagiging maluho at panlilinlang.

Back to Ernest's Blog

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>