Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-5 2013

(GMT+08:00) 2013-02-26 18:20:14       CRI

February 3, 2013 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Buksan natin ang ating munting palatuntunan sa isang requested song--"Pangarap Ka."

PANGARAP KA
(KAREL MARQUEZ)

Narinig ninyo si Karel Marquez sa kaniyang awiting "Pangarap Ka," na lifted sa album na pinamagatang "Pinoy Play File." Ang awiting iyan ay request ni Gertrude Abad ng San Sebastian College Manila.

Bigyang-daan natin ang ilang piling mensahe.

Year of the Snake

Sabi ng 921 577 9195: "Sa ngalan ng mga kasamahan ko sa DX Club International Manila, nagpapasa ako ng bating pang-Spring Festival sa lahat ng kagawad ng Serbisyo Filipino. Sana magpatuloy kayo ng pag-e-entertain at pag-i-inform sa amin."

Sabi naman ng 928 914 3227: "Hindi namin ini-expect na magri-reply kayo sa mga SMS namin dahil kami ay karaniwang tagapakinig at karaniwang mamamayang Pilipino lamang. Talaga lang, mabuhay kayo!"

Sabi naman ng 910 611 8423: "Ilang tulog na lang, Chinese New Year na. Ngayong taon ay Year of the Water Snake. Ano ang pagkakaiba ng water snake sa ibang snakes? Happy New Year sa inyo!"

Maraming-maraming salamat at Happy New Year sa inyong lahat...

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Katy Flores ng Orani, Bataan. Sabi ng kanyang sulat:

Dear Kuya Ramon,

Happy New Year in andvance sa iyo at sa lahat ng kasamahan sa Serbisyo Filipino. Regular ang pakikinig ko sa inyong transmission sa 7.180 mghz at 12.110 mghz. Kung hindi ako makapakinig sa radyo, binubuksan ko naman ang inyong webcast sa filipino.cri.cn.

Sana, sa Year of the Snake, mas lumakas pa ang inyong mga programa, lalo na ang Gabi ng Musika at Cooking Show.

Mabuhay ang CRI Filipino Service!

Katy Flores
Orani, Bataan
Philippines

Maraming-maraming salamat, Katy, at Happy Spring Festival din sa iyo.

Sana hindi ka magsawa ng pakikinig at pagsulat sa amin. God bless you, Katy.

Ngayon, dumako naman tayo sa bahaging pinakahihintay ninyong lahat, Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

ARE WE STILL IN LOVE?
(JACKY CHEUNG)

Narinig ninyo si Jacky Cheung sa kanyang awiting "Are We Still in Love?" na hango sa album na pinamagatang "Are You Falling in Love?"

Tunghayan naman natin ang ilang text messages.

South China Sea

Sabi ng 917 351 9951: "Kasama ako sa mga naniniwala na hindi dapat gawing international ang issue ng South China Sea. Ito ay isang regional issue."

Sabi naman ng 918 315 9947: "Ipagpatuloy natin ang ating pagdarasal. Pasasaan ba't sa katahimikan din mauuwi ang lahat ng mga kaguluhan sa mundo. Huwag lang tayong mainip."

Sabi naman ng 0086 136 915 62254: "Advance happy Spring Festival, Kuya Ramon and everybody. Please enjoy the holidays. Mahirap din naman ang puro trabaho. Kailangan din ninyo ng break."

Sabi naman ng 0086 135 202 34755: "From the bottom of my heart, Happy Year of the Snake and peace be with you."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 2572397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>