![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Kaugnay ng pagtasa ng mga karaniwang Tsino sa gawain ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina, masalimuot ang masasabi ng mga mamamayang Tsino.
Para sa mga magsasakang Tsino, mainit na tinatanggap at kinatigan nila si Premyer Wen. Noong nakaraang 5 taon, inilaan ng pamahalaang Tsino ang 4.47 trilyong yuan RMB o halos 755.3 bilyong Dolyares, sa mga larangan na may kinalaman sa agrikultura, kanayunan, at magsasaka. Isinagawa din ang mga hakbangin para pasulungin ang pag-unlad ng agrikultura at tulungan ang mga magsasaka, na gaya ng pagtaas ng presyo sa pagbili ng pamahalaan ng mga pagkain-butil, at subsidy sa pagbili ng mga magsasaka ng mga materiyal na agricultural.
Bukod dito, sustenableng lumaki ang karaniwang kita ng bawat magsasaka nitong nagdaang 5 taong singkad. Noong 2012, ang bilang na ito ay umabot sa 7917 yuan na lumaki ng 13.5% kumpara sa taong 2011.
Bukod sa agrikultura, natamo rin ng pamahalaang Tsino ang malaking progreso sa mga larangan na gaya ng siyensiya, social insurance system, at paglaki ng pambansang kabuhayan.
Halimbawa, ang mga Shenzhou space flight, pagtatayo ng space station, at ang pagbuo ng kauna-unahang aircraft carrier ay nagpapakita ng mabilis na pag-unlad ng Tsina. Kahit malubha ang kalagayan ng pandaigdigang kabuhayan, nananatili pa ring mahigit 7.5% ang paglaki ng GDP ng Tsina noong 2012.
Walang duda ang naturang mga natamong bunga ay ikinararangal ng lahat ng mga mamamayang Tsino. Pero hindi ito nagpapakita na walang pagkabahala ang mga karaniwang Tsino sa kanilang pamumuhay.
Mula sa kaligtasan ng pagkain hanggang sa polusyon sa hangin, ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga karaniwang Tsino ay nakatagpo ng dumaraming hamon nitong 5 taong nakalipas. Ang naturang mga isyu ay nagmula sa kakulangan ng mga may kinalamang batas at mahigipit na pagsusuri. Sa ibang dako, ang naturang isyu ay nakakaapekto ng pagtitiwala ng mga mamamayan sa mga gawain ng pamahalaan.
Para sa mga karaniwang Tsino na nagtatrabaho at namumuhay sa mga lunsod, lalo na sa mga malalaking lunsod. Gusto nila ang imahe ni Premyer Wen, pero hindi nila masyadong tinanggap ang kanyang bunga ng kanyang admonistrasyon, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga paninda, bahay, gastos sa kalusugan at edukasyon, at hindi masyadong pagtaas na suweldo.
Siyempre walang anumang pamahalaan ang mainit na tinatanggap ng buong mamamayan nito. Pero kumpara sa pangako ni Premyer Wen noong simula ng kanyang termino, kinilala din niya ang pagkabigo ng mga hakbangin sa real estate na hindi makontrol ang kay-bilis na pagtaas ng presyo ng mga pabahay.
Sa ibang dako, kahit mabilis na umuunlad ang kabuhayang Tsino, ang dumaraming pansin at pagpuna sa kilos at pananalita ng mga mayayaman ay nagpapakita ng kawalang-kasiyahan ng mga karaniwang Tsino sa sistema ng pagbabahaginan. At sa ibang dako, ang mga isyu sa pabahay, kalusugan at edukasyon ay nagpapakita din ng diskontento ng mga karaniwang Tsino sa bahagdan ng paglaki ng kanilang suweldo.
Sa katotohanan, ang naturang mga isyu ay may kinalaman, hindi lamang sa mga patakaran ng pamahalaang Tsino, kundi sa pagbabago ng kapaligiran sa loob at labas ng bansa. Ibig-sabihin, hindi ito malulutas sa maiksing panahon. Sa kabilang dako, walang isang pangmatagalang pambansang plano ng pag-unlad para malutas ang naturang mga isyu.
Sa kanyang limang taong termino, buong sikap na isinakatuparan ni Wen ang tungkulin bilang Premyer ng Pamahalaang Sentral. Para sa mga mamamayang Tsino, mabait si Wen talaga, pero hindi nila gusto ang lahat ng mga gawain ni Wen.
Back to Ernest's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |