Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-7 2013

(GMT+08:00) 2013-03-05 15:40:46       CRI

February 17, 2013 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Ang Pag-ibig Ay...

Para sa ating quote of the day, "Ang pag-ibig ay di-biro, di-kaning isusubo at iluluwa kapag napaso."--Anonymous.

Salamat kay Lucy Dantay ng Navotas City, Metro Manila. Siya ang nagpadala ng quotation na iyan.

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Sabi ng 919 333 4131: "Hi, Kuya Ramon! Mabuti rin naman na paminsan-minsan ay nagpapatugtog ka ng mga Pinoy rock of long ago. Nagbabalik sa alaala iyong mga nangyari noong mahilig pa tayong manood ng mga konsiyerto ng mga rakistang Pinoy."

Sabi ng 928 415 6462: "Ang pag-ibig ay bagay na pinatutunayan at hindi sinasabi. Walang pag-ibig kung walang aksiyon ng taong umano'y umiibig."

Sabi naman ng 910 435 0941: "Love is a two-way street, not a one-way affair. The feelings are always mutual."

Maraming-maraming salamat sa inyo.

MY FOOLISH HEART
(JOSE MARI CHAN)

Narinig ninyo si Jose Mari Chan sa kaniyang awiting "My Foolish Heart," na lifted sa album na may pamagat na Joe Mari Chan's Greatest Hits.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika at atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Mindy ng Shunyi, Beijing, China. Sabi ng kanyang sulat:

Dear Kuya Ramon,

Happy Valentine's Day sa inyo, Kuya Ramon!

Ang transmission ninyo sa 7.180 mghz ay sinlinaw ng inyong webcast. Ang sarap makinig sa Gabi ng Musika.

Mayroon lang akong wish sa Year of the Water Snake: Sana mapuluputan ng ahas ang lahat ng mga sandata sa mundo at mabasa ng kaniyang kamandag ang lahat ng mga pulbura at bala para matigil na ang paglalabanan at tuluyan nang manatili ang kapayapaan.

Ano ang say mo rito, Kuya Ramon?

Mindy
Shunyi, Beijing, China

Maraming salamat, Mindy. Maikli lang ang sulat mo pero malaman. Sana nga maubos na ang mga mapamatay na sandata sa mundo para matahimik na tayo. Pero dapat ding mawala sa puso at isip ng mga tao ang hatred. Iyang hatred na iyan ang pinagmumulan ng lahat ng kaguluhan, eh. Salamat uli at sana naging masaya ang Valentine's Day mo. God bless you, Mindy.

Ngayon, pakinggan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

PLAYING WITH ELBA
(DAVID TAO)

David Tao at ang kaniyang awiting "Play with Elba," na hango sa album na pinamagatang "David Tao 69."

Tunghayan natin ang ilang SMS.

Maligayang Araw ng mga Puso

Sabi ng 906 522 9981: "Happy Valentine's Day 2013, Kuya Ramon! Wala pa bang napapana si Kupido para sa iyo? This is the best time, Year of the Snake!"

Sabi naman ng 928 442 0119: "Maligayang Araw ni Balentino sa Seksiyong Filipino? Kumusta ang ating roses and chocolate? Marami ba?"

Sabi naman ng 910 435 0941: "Masayang Araw ng mga Puso, Kuya Ramon at mga kasama sa Filipino Service. Sana na-enjoy ninyo ang candle light dinner kasama ang inyong loved ones."

Sabi naman ng 917 401 3194: "Happy, happy Valentine's Day sa Gabi ng Musika at sa iyo, Kuya RJ. May you stay as lovely as ever, Kuya Ramon!"

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>